Kahapon, namutawi ito sa bibig ni Philippine Amateur Track and Field Association (PATAFA) president Go Teng Kok matapos mabigo ang kanyang tinaguriang "GTKs Army" na mapitas ang panga-kong 10 gintong medalya sa athletics event ng 23rd South-east Asian Games kahapon sa Rizal Memorial Track Oval.
"I want to tell the public that I am sorry that I did not kept my promise," ani Go. "In some events that we were not able to win, I feel sorry. I promise I will make it good next time and I promise also that I will not open my mouth and make predictions in the future."
Bago ang 2005 Philippine SEA Games, inihayag ni Go na kayang-kaya ng kanyang tropa na magtakbo ng mula 10 hanggang 14 gintong medalya.
Ngunit kinapos ng isang ginto ang kanyang prediksyon.
Umakyat sa siyam ang gold medal ng Team Philip-pines sa athletics nang pagrey-nahan ng 26-anyos na si Cristabel Martes ang womens 42.195-kilometer marathon sa itinalang 2:47.07 kasunod sina Feri Marince Subnafeu ng Indonesia (2:54.23) para sa silver at Pa Pa ng Myanmar (2:54.55) para sa bronze medal.
Nabigo naman si Allan Ballester na maidepensa ang kanyang titulo sa mens mara-thon na pinagharian ni Boon-choo Jandacha ng Thailand sa oras na 2:29.27 para sa ginto.
Nakuntento na lamang si Ballester sa tanso sa kanyang 2:32.25 sa ilalim ng 2:30.11 ng six-time Milo Marathon ruler na si Roy Vence para sa pilak.
Sa kabuuan, kumolekta ang Team Philippines ng 9 gold, 11 silver at 8 bronze medal kumpara sa 8-3-5 noong 2003 SEA Games sa Vietnam at 9-10-4 noong 2001 sa Kuala Lumpur, Malaysia at 8-8-7 noong 1991 sa Manila.
"Well, kasalanan ko yan eh, I opened my big mouth. Now, if I should be bitay, wala naman ako diyang magagawa eh," ani Go na naunang nagsabing handa siyang magpabitay kung hindi masusungkit ng kanyang "GTKs Army" ang ika-10 gold medal. (Russell Cadayona)