^

PSN Palaro

San Miguel Corp. masaya sa performance ng sports na tinulungan

-
Bawing-bawi na ang San Miguel Corporation sa kanilang inisponsor na P100 milyon bilang godfather ng 12-sport sa kasalukuyang 23rd Southeast Asian Games.

Mayroon nang 34 na me-dalyang naiaambag ang mga sport na inampon ng San Miguel Corporation sa kabu-uang 74 medals ng Team Philippines matapos ang anim na araw ng kompetisyon at maaari pa itong madagdagan.

Pinakamalaking kontribus-yon ang wushu athletes na may kabuuang 11-golds kasu-nod ang athletics na may walong ginto at posible pang madagdagan sa final event na marathon ngayon sa Maca-pagal Boulevard.

Bukod sa wushu at ath-letics, kasama sa mga sport na inampon ng San Miguel sa ilalim ng Godfather scheme ng First Gentleman Foundation  na nakapag-produce na ng ginto para sa Team Philippines na kasalukuyang namama-yagpag sa overall leadership ay ang karate, wrestling, traditional boat race, athletics, dance sports at judo.

Nakapagsubi ang wrestling ng limang golds, kasunod angtraditional boat race (3), dance sports (2) at judo (2).

May kabuuang 241 atleta ang bumubuo sa 12-sport sa ilalim ng San Miguel na kinabibilangan din ng boxing, lawn balls, pentaque, baseball at archery.

May inaasahan pang gold sa boxing kung saan 14 na Pinoy boxers ang nakapasok sa finals gayundin sa traditional boat race, judo, archery, muay, pentaque, baseball at lawn balls.

Pinangunahan nina Willy Wang, Vicky Ting at Aida Young ang wushu artists sa ilalim ni PBA MVP Alvin Patrimonio bilang project director, sa pagsubi ng tigalawang golds upang makopo ang overall title sa naturang sport.

Pinagbidahan naman nina long jum per Henry Dagmil at Arniel Ferrera ang athletics squad sa kanilang mga record breaking performance.

Bukod sa mga ginto, mayroon ding 19-silvers at 23 bronze medals na nalilikom ang nabanggit na sport. (CVOchoa)

vuukle comment

AIDA YOUNG

ALVIN PATRIMONIO

ARNIEL FERRERA

BUKOD

FIRST GENTLEMAN FOUNDATION

HENRY DAGMIL

SAN MIGUEL

SAN MIGUEL CORPORATION

SOUTHEAST ASIAN GAMES

TEAM PHILIPPINES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with