Baylon wala pa ring kupas
December 3, 2005 | 12:00am
CEBU CITY Hindi pa rin kumukupas ang Pinoy judoka na si John Baylon at ipinakita ang kanyang dominasyon makaraang ilista ang record na pitong SEA Games title nang sungkitin nito ang ginto sa judo event ng biennial sports meet sa dinumog na Mandaue City Sports and Cultural Complex.
Sa finals, inipit ni Baylon si Yan Naing Soe ng Myanmar gamit ang mahigpit na pagkakapilipit para sa isang ippon (full point) may 1:28 ang nawala sa limang minutong laban at patatagin ang kanyang estado bilang undisputed judo champion sa -81 kgs. division ng SEA Games.
"Im very happy. Ive proven that at 41 years old, I can still be a champion. Time hasnt wear me down and Im up for the next SEA Games (in 2007 in Bangkok)," ani Baylon, na wala pa ring planong magretiro sa ngayon.
Nangailangan lamang ang 41 anyos na si Baylon ng 64 minuto para dispatsahin si Hoang Hai Ho ng Vietnam.
Nakausad sa finals si Baylon na tubong Binalbagan, Negros Oriental pero lumaki sa Zamboanga, nang daigin nito ang Indonesian na si Jimmy Anggoro gamit ang shimewaza (choking) strategy sa 3:13 oras ng limang minutong extension.
Samantala, bronze medal naman ang inihatid ni Elmarie Malasan sa -52 kgs. makaraang gapiin si Thiri Min Aung ng Myanmar sa repechage.
Nawala ang tsansa ni Malasan na makasungkit ng medalya nang daigin siya ni Boosa Streetanaratan.
Hindi rin naging masuwerte si Sidney Schwarzkopt at Rezil Rosales na kapwa bigo sa kanilang mga kalaban.
Patuloy na maghahanap ng gintong medalya ang judokas ngayon kung saan idedepensa ni Gilbert Ramirez ang kanyang korona sa -73 kgs, habang aasintahin naman ni Aristotle Lucero ang gold sa -66 kgs. division.
Sasabak din si Ruth Dudaduga sa +70 kgs at Estie Gay Liwanen sa -65 kgs. category. (Emmanuel B. Villaruel)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended