Mamiit, hindi binigo ang mga kababayan

Naantala man ang laro nang halos tatlong oras dahil sa biglang pagbuhos ng ulan, hindi pa rin naging dahilan ito upang iwanan ng mga kababa-yan ang Rizal Memorial Tennis Center at masak-sihan ang paglalaro ng Fil-Am netter na si Cecil Mamiit

At hindi naman nabigo ang mga kababayang nagtungo dito nang ilampaso ng beteranong ATP Tour campaigner na si Mamiit si Zaw Zaw Lat ng Myanmar, 6-2, 6-1 upang umusad sa final eight ng men’s singles sa 23rd Southeast Asian Games tennis event.

Naging magaan para sa Fil-Am netters ang kanyang panalo nang hindi masagot ng kanyang kalaban ang malulutong ng forehand shot.

Ang nakatakdang mabibigat na kalaban na makakaharap ni Mamiit para sa kanyang pagtu-hog sa gintong medalya ay ang top seed na Thai na si Danai Udomchoke at Indon fourth seed Prima Simpatiaji.

Hindi naman naging masuwerte ang Fil-Am lady player na si Riza Zalameda sa matatag na si Wynne Prakusya sa kanyang dominasyon dito at patalsik ang Pinay, 6-1, 6-2. Talo din ang isa pang Fil-Am na si Denise Dy na lumasap ng 4-6, 5-7 kabiguan sa kamay ng top seed Thai netter na si Suchanan Viratprasert. (Sarie Francisco)

Show comments