Pinuno ng hiyawan at palakpakan ang buong lugar ng magsimula na ang engkwentro ng mga bansa at hindi naman binigo ng mga wushu players ang mga ito.
Tatlong gintong medal-ya ang nasungkit ng mga atletang Pinoy sa 23rd SEA Games wushu event na ginanap sa Emilio Agui-naldo Gym kahapon.
Namayani ang lakas ng mga Pilipino sa tatlong kategorya: Female divi-sion 52 kg. 48 kg. at 70 kg mens division.
Sinungkit ni Rhea May Rifani ang gold sa (52kg), kasunod ng ginto nina Rene Catalan (48kg) at Edward Folayang(70 kg).
Bukod sa gold, nagbul-sa din ng silver ang mga wushu player na sina Jennifer Lagilag (45 kgs) at Rexel Nganhayna (58 kgs.)
Malalakas na atake at matatalinong estratehiya ng opensa at depensa ang pinakawalan ng mga manlalarong Pinoy para makamit ang minimithing ginto. Dahil dito karag-dagang medalya na naman ang nakamit ng ating magagaling na atleta.
Sa kabilang banda, Vietnam ang siyang mahigpit na katunggali ng Pilipinas.
Pinangunahan ni Pangulong Macapagal Arroyo ang pagpapa-rangal para sa mga nagwagi. Taas noong sinabitan ng Pangulo ang mga manlalarong nagbibi-gay karangalan sa kani-kanilang bansa. (Sarie Francisco)