^

PSN Palaro

Hataw pa rin ang Pinoy

-
Sa unang sabak ni Sheila Mae Perez sa Southeast Asian Games, nagkasya lamang siya sa silver medal noong 2001 Malaysian Games. Sa ikalawang pagtatangka sa Vietnam Games noong 2003, bronze medal lamang ang kanyang naiuwi.

Ngunit sa kanyang ikatlong pagsabak sa biennial meet, tatlong ginto ang kanyang han-dog para sa kanyang mga kababayan bilang kauna-unahang triple gold me-dalists matapos ang apat na araw na kompetisyon ng 23rd Southeast Asian Games.

Nilusong ng 20-anyos na diver mula sa Davao City ang gintong medalya sa women’s 1-meter springboard ng diving competition sa Trace Aquatics Center sa Los Baños, Laguna na siyang pinakamaningning sa mga gintong medalyang produksiyon ng Team Philippines.

Umiskor si Perez, unang naka-gold sa 3m synchronized springboard kasama si Cesiel Dome-nios na kanyang sinundan ng kanyang tagumpay sa 3m springboard, ng 267.66 puntos na tumalo sa 266.34 puntos ni Malaysian bet L. Mun Yee na nagkasya lamang sa silver habang ang bronze ay napunta kay S. Ambar-wati ng Indonesia na may 229.74 puntos.

Naghatid din ng ginto sina Zardo Domenios at Nino Carag sa 3m syn-chronized springboard gayundin sina Ryan Fabriga at Kevin Koing sa 10m platform synchro-nized para sa limang golds, 1 silvers at dala-wang bronzes ng Pinas sa pagtatapos ng diving competition kahapon.

Samantala kinaila-ngan lamang ng isang araw ng rower na si Benjie Tolentino para mahanay sa mga double gold medalists ng bansa na kinabibilangan nina wushu artists Willy Wang at billiards players Ronnie Alcano at Leonardo ‘Dodong’ Andam.

Unang sinagwan ng 32-gulang na Sydney Olympian at Busan Games veteran ang ginto sa lightweight singles sculls  bago ito nakipag-tambalan kay Jose Rod-riguez upang kunin ang kanyang ikalawang ginto sa men’s pairs division sa La Mesa Dam sa Fair-view.

Mayroon na ring dalawang ginto si Jimar Aing, unang naka-gold sa 400m run, sa kanyang krontribusyon sa 4x100 team relay gold  kung saan kasama niya sina Ernie Candelario, Kashus Perona at Julies Nieras.

Naghatid naman ng tatlong  ginto ang mga wushu artists para maka-bawi sa kanilang pagka-bokya sa mga pang-uma-gang finals nang magta-gumpay sina Rene Cata-lan sa men’s 48kgs division, Eduardo Folo-yang sa 70kgs division at Rhea May Rifani 52kgs female division mula sa 12 na golds na pinaglabanan kahapon sa Emilio Agui-naldo College gym.

Mayroon pang dala-wang ginto mula sa wrest-ling mula kina Christina Villanueva at sa women’s 51 kgs division at Gemma Silverio sa 59kgs category sa pagpapatuloy ng kom-petisyon sa San Andres Gym sa Malate, Manila.

Ang iba pang ginto ng Pinas ay nagmula kina Christian Jan Suarez at Ernesto Gatchalian sa men’s doubles ng bowling competition sa Pearl Bowling Center sa Para-ñaque at sa 4x400m relay team sa athletics com-petition sa Rizal Memorial Track Oval.

Habang sinusulat ang balitang ito, apat na taek-wondo jins ang nakikipag-laban para sa gold mata-pos pumasok sa finals sina finweight John Paul Lizardo, middle-weights Dax Alberto Morfe at Veronica Domingo, at heavyweight Michael Alejandrino.

Paglalabanan sa araw na ito ang 36-golds kung saan walo nito ay galing sa swimming, tig-apat sa judo at shooting. (Carmela Ochoa)

BENJIE TOLENTINO

BUSAN GAMES

CARMELA OCHOA

CESIEL DOME

CHRISTIAN JAN SUAREZ

CHRISTINA VILLANUEVA

DAVAO CITY

GINTO

KANYANG

SOUTHEAST ASIAN GAMES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with