^

PSN Palaro

2 golds tinusok ng Pinoy fencers

-
Hindi na napigilan pa ang pagtusok nina national fencers Walbert Mendoza at Veena Tessa Nuestro sa gintong medalya. 

Matagumpay na naide-pensa ni Mendoza ang kan-yang korona sa men’s individual sabre, habang pinagreynahan naman ni Nuestro ang women’s indivi-dual foil event sa fencing com-petition ng 23rd Southeast Asian Games kahapon sa San Juan Gymnasium. 

Tinalo ni Mendoza, gold medalist sa 2003 SEA Games sa Vietnam, si Kothny Wira-dech ng Thailand, 15-14, at pinalagan naman ni Nuestro si Chantasuvannasin Nunt ng Thailand, 10-9, sa kani-kani-lang finals matches para sa gold medal.

 Ang nasabing mga tagum-pay nina Mendoza at Nuestro ang siyang nagpalakas sa tsansa ng Team Philippines na muling makuha ang overall championship sa fencing event.

 Sa 2003 Vietnam SEA Games, apat na gold medals ang naiuwi ng mga Filipino fencers kasunod ang tatlo ng mga Vietnamese.

 Samantala, tatlong ginto naman ang pag-aagawan ngayong araw sa mga labanan sa men’s team epee at sa women’s team sabre at team epee event.

 Itatampok sa men’s team epee si actor-sportsman Richard Gomez na kasama sa tumusok ng gold medal noong 2003 SEA Games. (RC)

CHANTASUVANNASIN NUNT

KOTHNY WIRA

MENDOZA

NUESTRO

RICHARD GOMEZ

SAN JUAN GYMNASIUM

SOUTHEAST ASIAN GAMES

TEAM PHILIPPINES

VEENA TESSA NUESTRO

WALBERT MENDOZA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with