Marami naman ang nagandahan at nasiyahan.
Maikli lang siya pero maningning naman ang programa. Personal na binuksan ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo ang Games.
Mabagal ang dating ng resulta ng events. Pero mas nagreklamo sila sa sobrang mahal ng food sa PICC. Pinagbawalan din daw silang magdala ng food samantalang ang mga foreign journalist ay nakakapagpasok ng mga pagkain.
Hmmmm?
Napanood niya kasi yung dive ng magkapartner na sina Shiela Mae Perez at Cescil Domenios. Sa last dive kasi ng dalawang Pinay divers grabe daw ang ganda at ikinamangha ng maraming manonood na nagresulta ng standing ovation. Halos maiyak din si Bong sa performance ng Pinay divers noong Linggo. Sabi nga niya " Grabe Mare ang ganda at galing talaga nila. Talagang halos naiyak ako sa tuwa" masaya niyang kuwento.
O di ba ganun ka-dramatic ang mga Pinoy lalo na kapag nakukuha ang gintong medalya.
Kasi kahit daw sa loob ng Rizal track oval kung saan inihatid ni Marestella Torres ang kauna-unahang gold para sa bansa ay talagang naiyak din ang maraming kababayang nanonood.
Kahit nga dito sa aming opisina, hindi maiwasan na kahit alam na nila ang resulta ay pinanonood pa rin kung papaano nakuha ang gold ng ating mga atleta.
At least sa sports nakakalimutan pansamantala ang mga problema hindi lamang personal kundi ng ating buong bayan.
So, ano pang hinihintay nyo, sugod mga kapatid sa mga venues na malapit sa inyo at malaking tulong yan hindi lamang sa ating mga atletang kumakampanya kundi pati na rin sa ating sarili. Malilibang ka na, nakatulong ka pa sa ating mga atleta.
Go na tayo at suportahan ang ating mga atleta.