^

PSN Palaro

4 golds sinipa ng Pinoy jins

-
Mainit ang simula ng RP jins sa kanilang kampanya sa taekwondo competition ng 23rd Southeast Asian Games nang kanilang ma-sweep ang apat na gintong nakataya kahapon sa Cuneta Astrodome.

Tinupad nina Olympians Donald David Geisler, Antoinette Rivero at Tshomlee Go  nang kanilang pangunahan ang kampanya ng RP taekwondo team para sa overall title sa pamamagitan ng kanilang tagumpay.

Nakopo ni Geisler ang kanyang ikaapat na SEA Games gold medal sa men’s lightweight division habang naisubi naman ni Rivero ang kanyang ikalawang SEAG gold sa women’s division.

Tinalo ni Geisler si Sautvilay Phimmasone ng Laos, 12-4 sa semifinals bago nito pinabagsak  si Patiat Thongsalap ng Thailand, 7-6 sa finals tungo sa kanyang ginto.

Matapos makabye sa quarterfinals, tinalo ni Rivero si Bui Thu Hien ng Vietnam, 13-1 sa semis bago nito iginupo si Voppy Trismawarty ng Indonesia, 5-1 para sa kanyang ikalawang SEA Games gold.

Dinispatsa naman ni Go si Mohn Afifuddin Omar Sidek ng Malaysia sa semifinals, 4-2 bago nito naungusan si Yu Anh Tuan ng Vietnam, 2-1 sa final round para sa kanyang kauna-unahang SEA Games gold.

Ang ikaapat na ginto ay inihatid ni Esther Marie Singson mula sa bantamweight nang kanyang igupo sina Farrahwaheeda Haji Bujang  ng Brunei, 3-1 sa semis bago nito dinispatsa si Juang Wansa Putri ng Indonesia, 4-2 sa finals para sa kanyang ginto sa women’s bantamweight.

ANTOINETTE RIVERO

BUI THU HIEN

CUNETA ASTRODOME

ESTHER MARIE SINGSON

FARRAHWAHEEDA HAJI BUJANG

GEISLER

JUANG WANSA PUTRI

KANYANG

MOHN AFIFUDDIN OMAR SIDEK

OLYMPIANS DONALD DAVID GEISLER

PATIAT THONGSALAP

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with