^

PSN Palaro

3 gold tangkang sisirin ng Pinoy divers

-
LOS BAÑOS --Tatlong gintong medalya ang aasamin ngayon ng Philippine divers sa panimula ng kanilang kam-panya sa 23rd Southeast Asian Games dito sa Trace Aquatics Center.

Unang sasalang ang mga Pinoy divers, na nagtatang-kang mapanatili ang second overall sa diving, sa women’s 3-meter synchro springboard finals sa ganap na alas-9:00 ng umaga kasunod ng men’s 1-meter springboard finals sa alas-10:15 ng umaga.

Pinakahuli ang men’s 10-meter synchro platform finals sa alas-11:30 ng umaga, ilang oras bago ang pormal pagbu-bukas ng Games.

Isa ang diving sa sinasabing panggagalingan ng gintong me-dalya ng bansa para sa kampanyang overall cham-pionship kung saan inaasa-hang magpapakitang-gilas ang mga divers na hinasa sa China sa loob ng limang buwan ng mga world-class divers.

"We will try to get minimum of three golds and maximum of six," ani national coach Rommel Kong.

Sina Sydney Olympians Sheila Mae Perez at Zardo Domenios, World Champion-ships campaigner Victor Paguia at talented divers na sina Niño Carog, Ryan Fabriga at Cecil Domenios ang babandera sa kampanya ng Nationals.

Sumungkit ng dalawang gintong medalya si Frabriga noong 2003 SEA Games sa Vietnam at tig-isa naman sina Perez at Carog.

May sampung medalya ang nakataya sa apat na araw na kompetisyon sa diving.     (Lawrence John Villena)

CAROG

CECIL DOMENIOS

LAWRENCE JOHN VILLENA

ROMMEL KONG

RYAN FABRIGA

SINA SYDNEY OLYMPIANS SHEILA MAE PEREZ

SOUTHEAST ASIAN GAMES

TRACE AQUATICS CENTER

VICTOR PAGUIA

WORLD CHAMPION

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with