^

PSN Palaro

Umpisa na rin ang hatawan sa tennis

-
Naging mapalad ang RP tennis team sa draw ng men at women’s team competition na ginanap kahapon.

Bagamat magsisimula na ang aksiyon ngayon sa tennis ng 23rd Southeast Asian Games sa Rizal Memorial Tennis Center, may panahon pang makapaghanda ang mga local netters matapos maka-bye sa unang round.

Pangungunahan ng mga Fil-Ams netters na sina Cecil Mamiit, Eric Taino, Riza Zalameda at Denise Dy kasama ang Fil-German na si Anja Vanessa Peter ang kampanya ng RP netters na naghahangad makakuha ng dalawa sa pitong gold medals na nakataya.

Bukod kina Mamiit at Taino, kasama din sa men’s team sina Patrick John Tierro at Johnny Arcilla.

Kasama naman sa women’s team si Czarina Mae Arevalo.

Dahil sa nakuhang bye, nakakasiguro na ang RP men’s at women’s team sa semifinals.

Nabiyayaan rin ng bye sa women’s division ang Indonesia at Thailand kaya’t maiiwan sa Myanmar at Vietnam ang bakbakan para sa huling semifinals slot.

Nakatakdang sagupain ng Pinay netters ang Indonesia habang haharapin ng Thailand ang magwawagi sa Myanmar at Vietnam.

Maghaharap ang Thailand at Myanmar sa men’s quarterfinals gayundin ang Laos at Vietnam at Cambodia versus Indonesia. (CVOchoa)

ANJA VANESSA PETER

CECIL MAMIIT

CZARINA MAE AREVALO

DENISE DY

ERIC TAINO

JOHNNY ARCILLA

MYANMAR

PATRICK JOHN TIERRO

RIZA ZALAMEDA

RIZAL MEMORIAL TENNIS CENTER

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with