Itoy makaraang kumpletuhin ng Singaporeans ang five-game sweep laban sa Vietnam, 15-4 upang muling mapanatili ang kanilang korona sa pagtatapos ng water polo competitions sa Trace Aquatics Center dito.
Binugbog ng husto ng Singaporeans ang kanilang karibal ng kumunekta ng 11 goals bukod pa sa paglabas ng mahigpit na depensa na hindi nagawang tapatan ng Vietnamese squad.
Ang tanging puntos na naikamada ng Vietnam ay ng umiskor si Ma Hong Dan ng back-to-back goals may 3:09 sa third period.
Ngunit agad din itong sinagot ng goals nina Alvin Wang, Terrence Tan Wei Keong, Lee Sang Mei, Nicholas Wei at Lou Nan na pumukol ng tig-dalawang puntos upang ilagay ang Singaporeans sa pangunguna.
At sa kanilang tinapos na limang laro, nagtala ang Singaporeans ng average winning margin na 9.6 points kada laro na tanging ang host Philippines na natalo sa Singapore, 6-7, ang nakabuntot sa kanila.
Nagbigay rin ng suporta kay dela Paz ang mga teammate na sina Monsuito Pelenio, Robert Dilap-Dilap, Dale Evangelista, Michael Jorolan, Norton Alamara at Roy Canete na umiskor ng tig-isang goal upang parisan ng RP Team ang silver finish noong 1999 Brunei SEA Games. (Lawrence Villena)