^

PSN Palaro

Pinoy water polo lumakas ang tsansa

-
LOS BAñOS -- Halos nasi-siguro na ng Philippine water polo team ang pagsungkit sa silver medal makaraang igupo ang Vietnam, 13-3, sa water polo competitions ng 23rd Southeast Asian Games dito sa Trace Aquatics Center.

Maagang ipinakita ng Pinoy ang kanilang dominasyon nang agad iposte ang 4-1 abante sa first quarter na kanilang nasustina tungo sa one-sided na laban.

Ang panalo ay ikalawa ng Philippines matapos ang nakapanlulumong 6-7 kabi-guan sa Singapore noong Martes at manatili sa likuran nito sa ikalawang puwesto na may 3-1 baraha patungo sa kanilang huling laban sa torneo kontra sa  Malaysia ngayong alas-6:30 ng gabi.

Tuluyang naglaho ang ga-hiblang tsansa ng Pinoy na masungkit ang gintong me-dalya makaraang pataubin ng defending champion Singa-pore ang Thailand, 12-3.

Nagtulungan sina Roy Canete at Monsuito Pelenio na kumana ng tigatlong goals para pangunahan ang opensa ng Pilipinas habang ang de-pensa ay hinawakan ng goalie na si Allan Cesar Payawang.

Hindi pinaiskor ng Pinoy ang Vietnamese sa huling dalawang quarter bunga ng kanilang malamoog na depen-sa.

Binanderahan ni Ngoc Wan ang kanyang koponan sa naitalang dalawang goals.  (Lawrence John Villena)

ALLAN CESAR PAYAWANG

BINANDERAHAN

LAWRENCE JOHN VILLENA

MAAGANG

MONSUITO PELENIO

NGOC WAN

PINOY

ROY CANETE

SOUTHEAST ASIAN GAMES

TRACE AQUATICS CENTER

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with