Kung maganda ang kalalabasan ng laban ng RP booter sa kanilang pang-alas-4:30 ng ha-pong bakbakan, kung saan inaasahan ang pag-dumog ng mga mano-nood dito, tiyak na nasa tamang daan ang mga Pinoy sa kanilang pag-sungkit sa kauna-una-hang medalya sa biennial meet.
Samantala, nagpamalas ng mahusay na laro at lakas sa pag-iskor si Vietnamese ace forward Le Cong Vinh nang mag-deliber ito ng apat na goal at hatakin ang Vietnam sa 8-2 panalo laban sa Laos.
Mabilis at maingat sa atake at mahusay na de-pensa ang ipinamalas ng Vietnamese para sundan ang kanilang ikalawang sunod na panalo. (Nelson Beltran)