^

PSN Palaro

Cambodian yuko sa Malaysian sa nagkagulong laban

-
BACOLOD – Dinurog ng Malaysia, ang team na nagnanais tapusin ang 16 taong pagkauhaw sa gold medal, ang Cambodia, 5-0 sa laban na nagkagulo sa Day 2 ng 23rd SEA Games men’s football competition dito sa Panaad Sports Complex kagabi.

Dinomina ng Malaysian booters na ginigiya ng bagong coach na si Norizan Bin Bakar ang Cambodian para sa kanilang sumisingasing na debut.

Nagkagulo sa laban na muntik na mauwi sa riot nang mag-away sina Malaysian Mohd Fadzil Bin Shaari at Cambodian Om Thavrak sa 20th minute ng laro nang magsi-mulang mag-init ang Malaysian.

Ang away ay nangyari at nasaksihan ni Cambodian Prince Norodom Buddhapong na nasa VIP booth.

Samantala, para sa magkapatid na James Joseph at Philip Young-husband, malaking karangalan ang makabilang sa Philippine football national team at tumulong na masungkit ang 23rd Southeast Asian Games.

Ang magkapatid na Fil-Briton ay nagsabing ang kahit anong kulay ng medalyang makukuha ay isang malaking karangalan sa kanilang pagbabalik Chelsea Football Club reserve team pagkatapos ng SEA Games.

Kumpiyansa ang magkapatid na makakatulong sila sa pagkuha ng kauna-unahang medalya para sa bansa sa biennial meet na ito sa pagitan ng 11 bansa.

Mabigat ang unang asignatura ng RP football team sa kanilang pakikipagtagpo sa defending champion Thailand, bukas (Miyerkules). (Nelson Beltran)

CAMBODIAN OM THAVRAK

CAMBODIAN PRINCE NORODOM BUDDHAPONG

CHELSEA FOOTBALL CLUB

JAMES JOSEPH

MALAYSIAN MOHD FADZIL BIN SHAARI

NELSON BELTRAN

NORIZAN BIN BAKAR

PANAAD SPORTS COMPLEX

PHILIP YOUNG

SOUTHEAST ASIAN GAMES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with