^

PSN Palaro

SEAG football sisipa ngayon

- Joey Villar, Nelson Beltran -
BACOLOD --Magsisimula na ang aksiyon sa 23rd Southeast Asian Games dito ngayon sa pagsipa ng men’s football competition sa Bacolod City Sports Complex.

Maghaharap ang Laos at Myanmar sa ganap na alas-4 ng hapon bago susundan ito ng Vietnam laban sa Singapore sa pang-alas 6 ng gabing bakbakan sa harap ng inaasahang dadagsain ng manonood dito sa bagong ayos na venue na dating Paglaum.

Ang apat na koponan ay ka-grupo ng Indonesia sa SEAG soccerfest na ito na humatak ng siyam na koponan at hinati sa dalawang grupo.

Sa kabilang dako, ka-grupo naman ng Philippines ang defending champion Thailand, Malaysia at Cam-bodia.

Inamin ng mga Filipino officials at coach na naha-harap sila sa mabigat na pagsubok laban sa Thai-land ngunit umaasang malulusutan ang Malaysia at Cambodia para makapasok sa crossover semifinals.

"We have a realistic chance of winning a medal," ani Philippine Football Federation president Johnny Romualdez.

Hindi na pinahintulutan ni coach Aris Caslib ang koponan na dumalo sa opening ceremonies sa Panaad Center kagabi para makapagpahinga ng husto ang kanyang manlalaro.

Bubuksan ng Pinoy booters ang kanilang kam-panya kontra sa Thailand sa Miyerkules.

ARIS CASLIB

BACOLOD CITY SPORTS COMPLEX

BUBUKSAN

INAMIN

JOHNNY ROMUALDEZ

MAGHAHARAP

MAGSISIMULA

PANAAD CENTER

PHILIPPINE FOOTBALL FEDERATION

SOUTHEAST ASIAN GAMES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with