Nagpakawala ng high game na 269 sa ikatlong six-game block upang palakihin ang kanyang kabuuang pinfalls sa 3,958.
Gayunpaman, hindi naman naging masuwerte ang kababayang si Ellen Ramos. Nawala ang magic touch nito matapos ang 1,242 sa ikalawang six-game block, at makakuha lamang ng 1,112 at malaglag sa 20th place na may 18 game output na 2,495 pinfalls.
Ang dalawang bowlers na kapwa suportado ng Puyat Sports/Lufthansa, ay may malaking tsansa na makasama sa qualifying round cut sa 24 sa bawat division pagkatapos ng anim pang laro.
Nangunguna naman ang Canadian na si Michael Schmidt na may 18 game total na 4,308 para sa sumisingasing na 239.33 average.
Nasa ikalawang posisyon naman si Petter Hansen ng Norway (4,229) kasunod ang Belgian na si Gerry Verbruggen (4,121) Ongpauco, Argentinian Lucas Leglani (3,951) Swedish Anders Ohman (3,944) at Venezuelan Arturo Hernandez (3,933).
Namumuno sa kababaihan si Lynda Barners ng Amerika makaraang maagaw ito sa Malaysian na si Wendy Chai.