^

PSN Palaro

Zalameda, Dy umusad sa susunod na round

-
Umiskor sina Fil-Americans Riza Angela Zalameda at Denise Dy ng magkahiwalay na panalo kahapon upang makarating sa second round ng US$10,000 Holcim ITF Women’s Circuit 2 sa Rizal Memorial Tennis Center.

Sumandig sa kanyang solidong forehand, kuma-na ang 19-anyos na si Za-lameda ng 7-5, 2-0 (ret.) na panalo kontra sa Thai na si Varanya Vijuksana-boon na napuwersang mag-retiro dahil sa dehydration.

Sa kabilang dako, tinalo na-man ni Dy ang local na si Aileen Rogan, 6-1, 6-0 upang umusad kontra sa world’s No. 512 at top seed Taiwanese na si Hwang I-Husan na umiskor ng 6-0, 6-1 panalo laban sa Fil-American qualifier na si Maureen Diaz.

Babanderahan ni Zalameda, isang UCLA stand-out ang kampanya ng Philippine team sa nalalapit na SEA Games kung saan tangka niya ang isang pu-westo sa quarterfinals sa alas-10:30 ng umaga ngayon kontra sa world’s No. 741 at seventh seed Korean Kim Hae-Sung na umiskor ng 6-2, 6-0 panalo kay Taiwaneses Chen Yi, 6-2, 6-0.

Sa iba pang resulta, nakapasok rin ang first leg runner-up na si Czarina Mae Arevalo sa susuod na round matapos magposte ng 6-3, 6-1 kontra sa kababayang wild card na si Anja Vanessa Peter.

Susunod na makakasagupa ni Arevalo si Israeli Efrat Zlotikamin na nagpatalsik naman sa sixth seed Briton na si Rebecca Fong, 6-3, 7-6 (1).

Ang iba pang umusad ay sina second seed Tahi Wilawan Choptang na gumapi sa Taiwanese qualifier na si Kao Shao-Yuan, 6-3, 6-4 upang itakda ang kani-lang paghaharap ng Briton na si Natasha Khan na nagtala ng 6-3, 6-0 tgumpay laban sa Korean na si Kim Yeon-Ju.

AILEEN ROGAN

ANJA VANESSA PETER

CZARINA MAE AREVALO

DENISE DY

FIL-AMERICANS RIZA ANGELA ZALAMEDA

HWANG I-HUSAN

ISRAELI EFRAT ZLOTIKAMIN

KAO SHAO-YUAN

KIM YEON-JU

KOREAN KIM HAE-SUNG

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with