^

PSN Palaro

TNT nadiskonek ng tres ni Duremdes

-
Matapos maubos ang 16-puntos na kalama-ngan, hindi sinayang ng Sta. Lucia ang pagkaka-taong angkinin ang ta-gumpay nang umiskor ang beteranong si Ken-neth Duremdes ng game-winning triple para sa 100-97 panalo sa Talk N Text sa pagbisita ng San Mig Coffee-PBA Fiesta Cup sa Zamboanga City Coliseum kahapon.

Nakabangon ang Phone Pals mula sa 63-79 deficit sa ikatlong canto ngunit sinayang ni import Damien Cantrell ang tsansang maiselyo ang panalo nang magmadali siyang tumira ng tres na masyadong kapos, may 2.7 segundong natira para sa huling posesyon ng Sta. Lucia.

Pinakinabangan ito ng Realtors nang kumawala si Duremdes sa kanyang bantay at mabilis na tu-makbo sa gilid ng court upang tanggapin ang in-bound pass ni rookie Alex Cabagnot at pakawalan ang kanyang game-clin-ching triple, .5 of a second na lamang ang oras.

Umangat ang Sta. Lu-cia sa 4-6 kartada habang nabigong makabalik sa pakikisosyo sa liderato ang Talk N Text na bu-magsak sa 6-3.

Patatatagin naman ng nangunguna nang Pure-foods Chunkee ang kani-lang kapit sa liderato sa pakikipagharap sa Red Bull Barako sa pagpa-patuloy ng aksiyon sa Araneta Coliseum.

Hangad ng Chunkee Giants ang ikatlong sunod na panalo sa pangungu-na nina import Marquin Chandler, James Yap, Kerby Raymundo at rookie Jondan Salvador sa alas-4:10 ng gabing pakikipag-sagupa sa Barakos upang higit na mapalawig ang 7-2 win-loss slate.

Hangad naman ng Barakos na makabingwit uli ng isang malaking isda upang lalo pang guman-da ang 5-4 record.

Sa ikalawang laro, hangad ng Alaska (5-3) na makisosyo sa ikalawang puwesto sa pakikipagha-rap sa Coca-Cola (2-6) sa alas-6:40 ng gabi.(CVO)

vuukle comment

ALEX CABAGNOT

ARANETA COLISEUM

BARAKOS

CHUNKEE GIANTS

DAMIEN CANTRELL

DUREMDES

FIESTA CUP

HANGAD

JAMES YAP

TALK N TEXT

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with