Arevalo umusad sa qfinals
November 11, 2005 | 12:00am
Nakarating sa quarterfinals ng US$10,000 Holcim ITF Womens Circuit ang local wild card na si Czarina Mae Arevalo matapos ang 6-2, 6-2 panalo laban sa American qualifier na si Maureen Diaz kahapon sa Rizal Memorial Tennis Center.
Sinibak naman ni top seed Korean Lyoo-Suh Hee Sun ang isa pang local wild card na si Anja Vanessa Peter, 6-2, 6-2, para makausad laban kay Israeli qualifier Efrat Zlotikamin, na nanalo kay Korean Seo Soon-Mi, 6-2, 7-5.
Sa doubles, sinilat ng Briton na si Rachel Hall at Japanese Hiromi Okazaki ang second seed Britons na sina Natasha Khan at Georgie Stoop, 6-3, 4-6, 6-3, para makausad sa second round laban sa Taiwanese pair na sina Chen Yi at Kao Shao-Yuan, 6-3, 6-1 na nanaig naman sa mga locals na sina Czarina Mae Arevalo at Denise Dy.
Sa iba pang matches, tinalo nina top seeds Rebecca Fong ng Great Britain at Pichittra Thongdach ng Thailand sina American Marie Zalameda at local Noelle Zoleta, 6-0, 6-0, para kalabanin ang American pair na sina Maureen Diaz at Julianna Gates, na dumispatsa sa mga locals bets na sina Ara Micayabas at Aileen Rogan, 6-1, 6-2.
Nanalo rin ang mga qualifiers na sina Chan Wing-Yau at Zhang Ling ng Hongkong laban kina Peter at Zlotikamin, 6-2, 6-1.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended