^

PSN Palaro

Mapalad ang tennis, softball

GAME NA! - Bill Velasco -
Napakasuwerte ng tennis at softball sa darating na Southeast Asian Games. Sa pagkakataong ito, limang ginto ang tinatayang makukuha ng dalawang sport, ayon mismo sa kanilang team manager na si Jean Henri Lhuillier.

"We’re definitely going to be 100% better than last time," sabi ng dating US NCAA Division 1 tennis player. "Although I only came aboard a few weeks ago, we already have all the ingredients to do extremely well this SEA Games."

Ayon kay Lhuillier, kumpirmadong maglalaro para sa Pilipinas sina Cecil Mamiit at Eric Taino, ang dalawang Pilipinong may pinakamataas na ranggo sa buong mundo. Si Mamiit ay nasa 207, habang si Taino ay nasa ika-213. Subalit si Taino ay kinikilalang mas magaling na doubles player.

"We’ve removed all the obstacles to their playing for the country, and they’re really good guys," dagdag ng patron ng basketball at slo-pitch softball.

Napakalakas din ng ating women’s team. Kabilang sa mga magsusuot ng bandera sina Czarina Mae Arevalo, Denise Dy, Riza Zalameda at ang pinagmamalaking Fil-German na si Anja Vanessa Peter. Ang 15-taong gulang ay nagwagi na sa ilang torneo sa Europe, at handa nang sukatin ang galing niya laban sa mga bigatin sa Southeast Asia. Mas maganda rin ang kinalabasan ng draw para sa ating bansa sa pagkakataong ito. Thailand ang pinakamabigat na kalaban natin sa rehiyon.

Sa softball naman, Pilipinas ang kinatatakutan sa SEA Games. Nagsasanay sa New Zealand ang ating men’s team, upang makaranas ng mababagsik na pitcher.

"Softball is all about seeing the pitch," paliwanag ni Lhuillier. "So they’re practicing against top club teams there and facing really good pitchers. They’re ready for the SEA Games."

Bukod sa pinansyal na pagsuporta sa mga atleta natin, personal pang pinupuntahan ni Lhuillier ang training nila, at sinusulatan pa niya ng personal ang bawat isa sa kanila.

"I make it a point that, whenever we support a team, I write each of the players a letter. I tell them the country is proud of them, and I am proud of them."

ALTHOUGH I

ANJA VANESSA PETER

CECIL MAMIIT

CZARINA MAE AREVALO

DENISE DY

ERIC TAINO

JEAN HENRI LHUILLIER

LHUILLIER

NEW ZEALAND

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with