RP shuttlers mapapasabak agad
November 9, 2005 | 12:00am
Dahil sa di paborableng draw, mabigat na pagsubok ang haharapin ng Philippine badminton team sa 23rd Southeast Asian Games.
Bubuksan nina RP No. 2 Ian Piencenaves at Arolas Amahit Jr. ang kampanya ng bansa sa pakikipagharap sa Malaysian duo nina Choong Tan Fook at Lee Wan Wah ng Malaysia sa mens double habang sasagupa naman sina Mark Alvin Natividad at Jaime Junio Jr. kina Singaporean Koo Kian Teck at Fu Zhi Hui Alvin, ranked No. 198 sa world, sa isa pang doubles match.
Ang womens tandem nina Irene Chui at Vanessa Tanco ay haharap sa Princesa ng Thailand na si Royal Highness Princess Sirivanna na tatambalan ni Sujitra sa opening womens double, habang ang pares nina Kennie Asuncion at Paula Obanana ay haharap sa world ranked na si Jo Novita (No. 38) at Greysia Poli sa isa pang womens double match.
Magpapartner naman ang magkapatid na Kennie at Kennevic para kalabanin sina world No.18 duo nina Songphol Anukkritiyawon at Kunchala Voravichitchaikul ng Thailand sa mixed doubles habang ang isa pang RP entry na sina Piencenaves at Obanana ay sasabak sa mga Indonesian na sina Anggun Nugroho at Yunita Tetty.
Ang World at Olympic champion na si Taufik Hidayat ay hindi nakalista sa kahit na anong event ngunit ang 25-gulang na Indonesian ay kasama sa 13-man squad ng Indons.
Ang Badminton competitions ay magsisimula sa Nov. 28 sa 6 p.m. sa PhilSports Arena sa Pasig City, sa doubles at team competitions habang ang individual matches ay magbubukas sa Dec. 1 para sa kabuuang pitong gold medals. (CVOchoa)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended