^

PSN Palaro

POWERHOUSE TEAM

FREETHROWS - AC Zaldivar -
May nabasa akong libro hinggil sa Harlem Globetrot-ters na palaging namama-yagpag sa mga nakakala-ban nila. Minsan silangnatalo ay hindi natanggap ng may-ari angkabiguan at sinabi nitong ang pagkatalo ay isang "trahedya."

Puwes, para sa mga su-musubaybay sa PBA, lalo na dun sa mga fans ng Tal k N text Phone Pals, parangisa ring malaking trahedya ang pangyayaring natalo sila sa ir 21, 90-88 noong Biyernes sa Ynares Sports center sa Antipolo City.

Kasi nga, bagonagsimu-la ang laro ay paboritong-pa-borito ang Phone Pals. Di-nurog nila ang Express, 109-91 sa kanilangunang pagha-harap at ito‚y isang statement win. Kubaga’y matapos ang panalong iyon, marami ang nagsabing dapat ay hindi ipinamigay ng Air21 sa Talk N Text angmga first round picks na sina Anthony Wa-shington at Mark Cardona dahil sa ang mga ito ang future ng team.

Imbes na lumakas daw ang Air 21 ay humina ito dahil sa ang nakuha lang nilang kapalit ay sina Yancy de Ocampo at Parick Fran.

Katunayan, dahil sa trade na iyon ay magpapala-bas ng bagong ruling ang PBA hinggil sa pagpapami-gay ng mga rookies. Pag-uusapan pa ito ng Board of Governors.

So, nang naglabang muli angTalk N Text at Air 21, tala-ga namang llamado ang Phone Pals. Marami ang nagsabing madali silang ma-kakaulit sa Express lalo nga‚t hindi pa naglarosina Gary David at Ranidel de ocampo.

Pero tila sumobra naman ang kumpiyansa ng Talk N Text at napabayaan ng Phone Pals na makaalagwa ang Express sa unang quar-ter pa lang. Naghabol lang nang naghabol ang Phone Pals at sa dakong huli’y sinu-werte ang Express nang na-follow up ni Shawn Daniels ang butatang tira ni John Ferriols.

Nalasap ng Talk N Text ang ikalawang pagkatalo nito sa torneo. Ang una nilang pagkabigo ay nanggaling sa kamay ng Barangay Ginebra, 100-94 na pumatid sa kani-lang four-game winning run.

Trahedya nga ba ang pagkatalo ng Phone pals?

Well, pwedeng ganun! Kasi nga‚y sobra an glakas ng Phone Pals. Isang tingin lang sa kanilang line-up ay talaga namang masisindak ka na.

Bukod dito, tatlong mati-tinding coaches ang nasama sa bench. Kasama ngayon ni coach Joel Banal bilang consultant si Derick Puma-ren at bilang assistant si Bong Ramos na dati’y coa-chng Air 21.

Three minds are better than one, ‘ika nga.

Kaya nga sinasabing sobra-sobra ang pressure sa balikat ni Banal ngayon. Matindi ang kanyangline-up, matindi pa ang kanyang back-up coaches.Parang walang dahilan upang ma-talo ang team.

At dahil sa ganito kalakas ang Phone Pals, palaging itinuturing ng kanilang mga kalaban na isa silang mala-king challenge. Tuloy ay pinaghahandaan sila nang husto.

At kapag tinalo sila, aba‚y napakalaking sense of achievement na iyon para sa isang koponan.

Mahirap din talaga ‘yung powerhouse ka, e.

ANTHONY WA

ANTIPOLO CITY

BARANGAY GINEBRA

BOARD OF GOVERNORS

BONG RAMOS

DERICK PUMA

PALS

PHONE

PHONE PALS

TALK N TEXT

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with