^

PSN Palaro

Magnolia nangunguna na

-
Nilimitahan ng Magno-lia Dairy Ice Cream ang Rain or Shine sa siyam na puntos sa final quarter tungo sa 74-57 para ma-kopo ang solong pamu-muno sa 2006 PBL He-roes Cup sa JCSGO gym sa Cubao kahapon.

Muling nakaasa si Magnolia coach Koy Banal kina Jeff Bombeo at Kelly Williams na siyang naggiya sa Wizards sa 62-52 kalamangan patu-ngo sa huling anim na minuto ng laro na naging daan sa kanilang ika-lawang sunod na panalo habang bumagsak ang Elasto Painters sa 1-1 kartada.

Sa unang laro, binig-yan ng Granny Goose Tortillos ng magandang pabaon si coach Jun Tan na nagbitiw sa kanyang posisyon at papalitan ni Joe Lipa, sa pamamagi-tan ng 62-54 panalo laban sa Toyota Otis, 62-54, sa unang laro.

Matapos malimitahan ang 6-foot na si Toti Almeda ng limang puntos sa unang tatlong quarters, umani ito ng 10 sa final period, kabi-lang ang a-pat sa hu-ling anim na puntos ng Tortillos tungo sa kani-lang panalo na lumukob sa kanilang kabiguan laban sa Magnolia noong opening day at ipalasap sa Toyota ang ikalawang sunod na talo.(CVO)

vuukle comment

DAIRY ICE CREAM

ELASTO PAINTERS

GRANNY GOOSE TORTILLOS

JEFF BOMBEO

JOE LIPA

JUN TAN

KELLY WILLIAMS

KOY BANAL

TOTI ALMEDA

TOYOTA OTIS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with