^

PSN Palaro

Mas maugong ang SEA Games sa Bacolod

-
Talo ng Bacolod City ang mismong Philippine Southeast Asian Games Organizing Committee (PHILSOC) pagda-ting sa promosyon.

Ipinagmalaki kahapon ni Bacolod City SEA Games Organizing Committee secre-tary-general Eric Loretizo ang masigasig nilang pagpo-promote ng nalalapit na 23rd Southeast Asian Games sa Nobyembre 27 hanggang Disyembre 5.

Ayon kay Loretizo, Abril pa lamang ay may ikinabit na silang mga banners at streamers sa mga kalsada ng Bacolod City, mangangasiwa sa boxing, men’s football, weightlifting at indoor at beach volleyball events.

"Our SEA Games banners and streamers have been there as early as April pa," sabi ni Loretizo sa aktibidad ng Bacolod City. "And the new announcement billboards will be installed within the week."

Ang ginagawa ng Bacolod City, pinangungunahan ni Rep. Monico Puentevella, president ng Philippine Weightlifting Association (PWA), ay taliwas naman sa pagkilos ng PHIL-SOC hinggil sa promosyon ng naturang biennial meet.

Hanggang sa ngayon ay wala pa ring naikakabit na mga billboards, banners at streamers ang PHILSOC sa mga kalsada ng Metro Manila para sa ‘ingay’ ng 2005 SEA Games.

"The Congressman (Puen-tevella) has actually tapped the local KBP leadership to ensure that publicity is addressed. And we have been playing the official SEA Games theme song in radio stations as early as August," ani Loretizo.

Katulad ng Bacolod City, malakas rin ang promosyong ginagawa ng mga ‘satellite venues’ na Cebu City at Subic para sa 2005 SEA Games. (Russell Cadayona)

BACOLOD CITY

CEBU CITY

CITY

ERIC LORETIZO

GAMES

GAMES ORGANIZING COMMITTEE

LORETIZO

METRO MANILA

MONICO PUENTEVELLA

PHILIPPINE SOUTHEAST ASIAN GAMES ORGANIZING COMMITTEE

PHILIPPINE WEIGHTLIFTING ASSOCIATION

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with