^

PSN Palaro

Huling pagsasalu-salo ng RP delegation

-
'Last Supper' para sa mga national athletes.

Pangungunahan bukas ng Philippine Olympic Committee (POC) ang pinakahuling Friday Mass para sa mga national athletes at officials sa PhilSports sa Pasig City bago ang darating na 23rd Southeast Asian Games.

"Meron tayong konting salu-salo para sa mga atleta natin at mga opisyales," wika ni POC president Jose "Peping" Cojuangco, Jr. sa naturang okasyong nakatakda bukas ng alas-6 ng gabi. "This will be the last time na magkakasama-sama tayo dahil siyempre, bawat isa sa atin ay magpupunta na sa ating mga areas of concern."

Inaasahang dadalo ang halos 400 atletang nasa Metro Manila sa naturang misa na ginagawa na ng POC tuwing Biyernes para sa mga atletang naghahanda sa 2005 SEA Games.

"Kung puwede lamang ay maka-attend tayong lahat because this will be our last Friday Mass kasi pagkatapos nito, hindi natin ito magagawa sa December," ani Cojuangco.

Ang naturang mga misa ay kailangan ng bawat atleta mula na rin sa hangarin ng POC at ng Philippine Sports Commission (PSC) na makuha ang kauna-unahang overall championship ng Pilipinas sa SEA Games.

Kabuuang 91 gintong medalya ang nalambat ng RP delegation noong 1991 Manila SEA Games kung saan naghari ang Indonesia sa naiuwi nilang 92. (R. Cadayona)

COJUANGCO

FRIDAY MASS

LAST SUPPER

METRO MANILA

PASIG CITY

PHILIPPINE OLYMPIC COMMITTEE

PHILIPPINE SPORTS COMMISSION

SOUTHEAST ASIAN GAMES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with