^

PSN Palaro

Pagulayan pupukaw ng pansin sa SEA Games

-
Matapos umatras sa pagkatawan sa Pilipinas para sa 23rd Southeast Asian Games sina Efren ‘Bata’ Reyes, Francisco ‘Django’ Bustamante at Marlon Manalo, kay Fil-Canadian Alex Pagulayan na mapupukaw ang pansin ng lahat.

Limang events ang ibinigay ng Billiards and Snooker Congress of the Philippines (BSCP) kay Pagulayan para sa 2005 SEA Games sa Nobyembre.

Ang mga paglalaruang events ng 28-anyos na kampeon ng 2004 World 9-Ball sa 2005 SEA Games, ayon kay BSCP president Ernesto Fajardo, ay ang 8-ball singles at doubles, 9-ball singles, snooker doubles at snooker team.

"Binigyan natin siya ng three events sa pool at two events sa snooker dahil siya ang pinakamagaling na player natin ngayon," dahilan ni Fajardo.

Umatras si Reyes, ang 1999 World 9-Ball king, sa paglahok sa 2005 SEA Games dahilan sa sinasabing panlalabo ng kanyang mata, habang isang elbow injury naman ang rason ni Bustamante.

Nagpaalam naman kay Fajardo si Manalo, ang 2002 Asian Snooker titlist, para sumali sa $1-Milion 2005 King of the Hill tournament sa Orlando, Florida sa Nobyembre 30 hanggang Disyembre 4.

"Actually, Alex has been playing snooker in Canada. And in fact, he is one of the best snooker players ng Canada," ani Fajardo kay Pagulayan, binansagang ‘The Lion’ sa US Circuit.

Kabuuang 14 gintong medalya ang nakataya para sa billiards and snooker event ng 2005 SEA Games. (Russell Cadayona)

ASIAN SNOOKER

BILLIARDS AND SNOOKER CONGRESS OF THE PHILIPPINES

BUSTAMANTE

ERNESTO FAJARDO

FAJARDO

FIL-CANADIAN ALEX PAGULAYAN

KING OF THE HILL

MARLON MANALO

NOBYEMBRE

SNOOKER

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with