^

PSN Palaro

Rookie of the year

FREE THROWS - AC Zaldivar -
Kung ikukumpara ang performance nina Jondan Salvador at Anthony Washington sa kasalukuyang San Mig Coffee-PBA Fiesta Conference, makikitang mas matindi ang ginagawa ni Salvador kahit pa ito’y fourth pick overall lamang sa 2005 Draft.

Kitang-kita ang kahalagahan ni Salvador sa kampo ng Purefoods Chunkee Corned Beef kung saan sinasabi ng karamihan na siya ang malamang na humalili sa nagretirong superstar na si Alvin Patrimonio.

Si Salvador ang third leading local scorer ng Giants sa likod nina James Yap at Kerby Raymundo. Bukod dito ay halos pitong rebounds ang average niya sa unang anim na laro ng Purefoods.

Sa kabilang dako, nangangapa si Washington sa Talk N Text Phone Pals at hindi naman ganoon kalaki ang playing time na naibibigay sa kanya. Naintindihan naman ito ng karamihan dahil nga star-studded ang Phone Pals. Bago magamit nang husto si Washington, natural na mauuna sa kanya sina Paul Asi Taulava, Mark Telan at Harvey Carey.

Kaya nga marami ang nagsasabing swerte-swerte lang din ang mga rookies at hindi porke’t top pick sa Draft ay siguradong magniningning na kaagad. Ang mahalaga ay kailangan ng isang team ang rookie na kinuha nito. Ganyan ang nangyayari kay Salvador sa Purefoods. Nabibigyan siya ng breaks ni coach Paul Ryan Gregorio dahil kailangan siya ng team.

Hindi kasi ganoon katangkad ang line-up ng Giants. E, hindi din naman ganoon katangkad si Salvador subalit matikas siyang maglaro. Matapang siya at nagagamit siyang pang-depensa hindi lamang kontra sa post-up men ng kabilang teams kundi laban din sa mga imports.

Sayang nga lang dahil sa hindi pala ito pwedeng magwagi bilang Rookie of the Year. Ito’y bunga ng pangyayaring nakapaglaro ito sa Davao Eagles sa defunct Metropolitan Basketball Association. So, nag-pro na siya noon at bumalik na lamang sa Montaña Pawnshop sa Philippine Basketball League nang mawala ang MBA. Sayang!

Sa kabilang dako, eligible si Washington para sa Rookie of the Year award dahil ngayon lang siya nag-pro. Naglaro siya sa Welcoat House Paints (ngayo’y Rain or Shine) sa PBL.

Pero kung hindi naman tataas ang antas ng laro ni Washington sa Talk N Text, mahihirapan din siyang maging ROY.

Mas matindi ang impact ng ibang rookies na tulad nina Alex Cabagnot ng Sta. Lucia Realty at Dennis Miranda ng Coca-Cola Tigers. Sa tutoo lang, mas nabibigyan nga ng breaks ang mga tulad nina Leo Najorda, Larry Fonacier at Paolo Bugia ng Red Bull Barako, Cesar Catli ng Sta. Lucia at Mike Holper ng Barangay Ginebra.

Kumbaga, sa Talk N Text, kailangang maging extraordinary ang performance ni Washington para magamit siya nang husto.

At tila hindi mangyayari iyon!
* * *
Happy birthday kina San Miguel Beer point guard Olsen Racela, dating national coach Joe Lipa at trivia genius na si Bong Barrameda na magdiriwang sa Nobyembre 1. Belated birthday greetings kina Barangay 756 chairman Rey Rojas at kagawad Boy Alba na nagdiwang noong Oktubre 25 at Joey Flores (Oktubre 29).

vuukle comment

ALEX CABAGNOT

ALVIN PATRIMONIO

ANTHONY WASHINGTON

BARANGAY GINEBRA

BONG BARRAMEDA

BOY ALBA

ROOKIE OF THE YEAR

SIYA

TALK N TEXT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with