^

PSN Palaro

Titulo pormal na isinubi ng Batang Maynila

-
Sapat na ang unang apat sa kabuuang 114 gintong medalyang nakalatag sa taekwondo event upang pormal na angkinin ng Manila ang overall crown sa pagsasara ng 1st Manila Youth Games National Invitational kahapon sa San Andres Sports and Civic Center sa Malate.

Kumabig ang mga Manila bets ng 80 ginto, 62 pilak at 54 tansong medalya sa itaas ng 36-22-18 ng Laguna Province, 18-15-12 ng Parañaque City, 17-22-19 ng Quezon City, 15-12-13 ng Muntinlupa City, 6-13-10 ng General Santos City, 6-9-6 ng Baguio City, 5-0-0 ng Naga City, 3-15-20 ng Bohol, 3-8-8 ng Puerto Princesa, 3-6-4 ng Candon City, 3-4-2 ng Taguig City, 3-2-9 ng San Fernando, La Union, 3-1-4 ng Tanauan, 2-3-7 ng Misamis Occidental, 1-2-6 ng Bulacan, 1-0-0 ng Marikina at 1-0-0 ng Cavite.

Ang apat na Big City athletes na nag-ambag ng kanilang ginto sa taekwondo competition sa San Andres ay sina Clarence Virtudeza (boys‚ heavyweight), Christine Virtudeza (girls‚ junior middleweight), Ronnel Gonzales (boys‚ 120-120 kgs.) at John Rezab (boys‚ 136-144 kgs).

Kinilala naman ng nag-oorganisang Manila Sports Council (MASCO) ni chairman Ali Atienza ang 14-anyos na si Maria Cecilia Constantino bilang Best Athlete makaraang dominahin ang girls‚ 13-15 100m run, 200m run, 400m run, 4x100 relay at 4x200 relay events ng athletics na ginawa sa University of Sto. Tomas.

Humugot ang Manila ng 55 sa kabuuang 116 gintong medalyang inihanay sa swimming event, habang 20 naman ang kanilang kinolekta sa 76 na nakalatag sa athletics competition.

Sa naturang 55 gold medals ng Big City sa swimming pool, 15 rito ay nilangoy nina Apryl Herrera, Tessa Alcantara at Maxim Quilala. (Russell Cadayona)

ALI ATIENZA

APRYL HERRERA

BAGUIO CITY

BEST ATHLETE

BIG CITY

CANDON CITY

CHRISTINE VIRTUDEZA

CITY

CLARENCE VIRTUDEZA

GENERAL SANTOS CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with