^

PSN Palaro

Skyrockets, pumili ng tatlo

GAME NA! - Bill Velasco -
Tatlong manlalaro ang may pagkakataong makalaro sa American Basketball Association.

Nagdaos ng tryouts ang expansion team na San Jose Skyrockets sa PhilSports Arena kahapon, subalit 15 lamang ang sumipot. Ito ay dahil maraming ligang kasisimula pa lamang, o mag-uumpisa na.

"We’re doing this for community involvement," paliwanag ni Kozumi Hasegawa, isang abogado at alumna ng UCLA. "First of all, I love basketball. I like to see the kind of teamwork like the Bruins."

Buong umaga ang itinakbo ng tryouts, sa pamumuno ni head coach Marc Joffe. Kabilang sa mga sumali ay mga datihan sa PBA gaya nila Rob Johnson at Phil Newton, at ang dating MBA All-Star na si Johnedel Cardel. May mga ilang di-kilalang sumubok din.

"The players should be proud," sabi ni Joffe. "This is a great opportunity, and they’ve done well."

Ang orihinal na ABA ay itinayo noong 1960’s, at pinagbidahan ng napakaraming mga playground legends. Ilan sa mga sumikat dito ay sina "Dr. J", Julius Erving, Moses Malone at Artis Gilmore. Nang magsara ito noong 1976, kinuha ng NBA ang apat na nalalabing team nito.

Maraming nakatutuwang patakaran ang ABA. Kung halimbawa’y maagaw ang bola sa backcourt at maibuslo sa loob ng tatlong segundo, tatlong puntos ang maitatala, di lamang dalawa. Kapag naipasok ang bola mula sa halfcourt, apat na puntos ang ibibigay.

Kinausap ng Skyrockets si Mark Magsumbol, Nic Fasano at Antoine Clinton. Si Magsumbol ay naglaro sa NCAA, at si Fasano sa PBL. Si Clinton naman ay isang 6’7" na expat at manager sa isang call center. Kung matanggap ang isang player, bibigyan siya ng $3,000 hanggang $4,000 bawat buwan. Sasagutin ng team ang pabahay. Maglalaro sila mula Nobyembre hanggang Marso.

AMERICAN BASKETBALL ASSOCIATION

ANTOINE CLINTON

ARTIS GILMORE

DR. J

JOHNEDEL CARDEL

JULIUS ERVING

KOZUMI HASEGAWA

MARC JOFFE

MARK MAGSUMBOL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with