Danila may puwesto na sa RP swimming team
October 16, 2005 | 12:00am
Nakasikwat na ng kanyang puwesto sa Philippine swimming team ang nagbabalik na si Liza Danila.
Ito ay matapos sungkitin ng 2000 Sydney Olympian ang gintong medalya sa womens 50-meter freestyle sa tiyempong 27.70 segundo sa pagtatapos ng Bank of Commerce-National Open Swimming Championships kahapon sa Rizal Memorial Swimming Pool.
Ito ang pang limang gintong medalya ng 23-anyos na si Danila sa naturang five-day meet na siyang panuntunan ng Philippine Amateur Swimming Association (PASA) para sa komposisyon ng RP Team na ilalahok sa darating na 23rd Southeast Asian Games sa Nobyembre.
Nauna nang inangkin ng tubong Laguna ang mga ginto sa womens 100m at 200m freestyle, 100m at 200m backstroke events.
"If I won one gold medal in the 2005 Southeast Asian Games Ill be happy na kasi puro silver lang ang nakukuha ko sa apat na SEA Games ko eh," ani Danila, lumangoy ng dalawang silver medal sa Vietnam SEA Games.
Nasilo naman ng 16-anyos na si Ryan Arabejo ang kanyang pang apat na gintong medalya nang pamahalaan ang mens 200m freestyle sa oras na 1:58.95.
Bukod kina Danila at Arabejo, ang iba pang sumungkit ng gintong medalya sa huling araw ng torneo ay sina 2000 Sydney Olympian Jenny Guerrero (womens 400m Individual Medley), Marichi Gandionco (womens 200m butterfly) at Enchong Dy (mens 200m butterfly).
Sinabi ni PASA head Mark Joseph na ilalabas nila ang kanilang listahan para sa 2005 SEA Games sa susunod na linggo. (Russell Cadayona)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended