Cabagnot may dapat ipagmalaki
October 11, 2005 | 12:00am
May dahilan si Alex Cabagnot kung bakit nadurog ang puso ng mga panatiko ng Ginebra.
Ilang taon matapos na tabunan ni Mark Caguioa ang career total points sa Eagle Rock High School sa Los Angeles, naging susi ang 22-anyos rookie point guard noong nakaraang Linggo sa pagdiskaril ng tangkang 2-0 panimula ng Kings sa San Mig Coffee-PBA Fiesta Conference.
Sa harapan ng punum-punong manonood sa Araneta Coliseum, tumipa si Cabagnot ng 13 mula sa huling 17 puntos ng Sta. Lucia upang dalhin ang Realtors sa 92-88 panalo.
At ang mga ginawang puntos ng 6-foot-1 playmaker ay kanyang pinukol ng makawala sa mahigpit na pagbabantay ni Caguioa, na nakipaglaban sa kanya ng husto sa halftime at sa huling 1:38 segundo ng labanan gayundin ang backcourt partner niyang si Jay-Jay Helterbrand.
"Jeff (Cabagnot) saved us tonight," pahayag ni SLR coach Alfrancis Chua matapos ang nasabing laro ay panoorin ng 13,477 paying fans, na karamihan dito ay mga Ginebra fans.
At ang maningning na performance na ito ni Cabagnot ang siyang pinakama-matingkad sa league locals na nagbigay sa Quezon City-born na si Cabagnot para tanghaling Gran Matador Player of the Week ng PBA Press Corps.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended