^

PSN Palaro

KLARO ANG SIGNAL NG TALK N TEXT

FREE THROWS - AC Zaldivar -
Malakas na ang line-up, ma-tindi pa ang coaching staff!

Ganyan ang description sa Talk N Text Phone Pals na nagpu-gay noong Biyernes sa pamama-gitan ng pagresbak sa San Miguel Beer, 74-66 sa kanilang paghaha-rap sa Ynares Center sa Antipolo City.

Kitang-kita sa tikas ng Phone Pals na nais nilang bawian ang Beermen na tumalo sa kanila sa Finals ng nakaraang conference, 4-1. At talaga namang nagpala-kas nang husto ang Talk N Text matapos na kunin ang mga first round picks na sina Anthony Wa-shington at Mark Cardona buhat sa Air21 kapalit nina Yancy de Ocampo at Patrick Fran. Kapwa nagtala ng tig-pitong puntos at tig-limang rebounds ang dalawang prized rookies na ito sa kanilang unang laro sa PBA.

Aba’y wala kang itatapon sa team na ito, e. Lahat ay pwedeng mag-deliver.

Nakakatakot talaga ang line-up nito at para bang walang da-hilan para sila matalo. Nakabalik na sa active duty si Paul Asi Tau-lava matapos ang mahabang suspension. Oo’t noong nakara-ang Finals pa siya na-reinstate. pero noon kasi’y bigla ang pag-pasok niya sa team at tila nasira ang rotation sa Talk N Text kung kaya’t hindi ito nakalusot sa Beermen.

Deadly pa rin ang point guard na si Jimmy Alapag na nagbigay ng 12 assists laban sa Beermen. Ang beteranong si Victor Pablo ang siyang naging leading local scorer ng Phone Pals nang mag-tala ito ng 13 puntos sa likod na 18 ng import na si Damien Can-trell.

Aba’y kahit na nakapikit ang mata ni coach Joel Banal ay pwe-de niyang igiya ang koponang ito. Kahit sino ang ipasok niya, tiyak na gagawa!

At saka kahit na nakapikit si Banal, madami naman siyang ka-tulong sa bench. Kinuha ng Talk N Text bilang assistant coach ang dating FedEx head coach na si Gerardo ‘Bong’ Ramos. Kinuha din ng Phone Pals bilang consul-tant si Derick Pumaren na may dalawang championships na sa PBA.

Sa tutoo lang, napakabigat siguro ng pressure sa balikat ni Banal ngayon. Kasi nga, sa bawat game ng Talk N Text, inaasahan ng management na mananalo sila.

Mas maraming positibo kaysa negatibong aspeto sa team, e. Kumpleto ang manlalaro, kum-pleto ang coaching staff.

At isipin na lang natin na hindi pa nga nakapaglalaro ang Most Valuable Player na si Willie Miller na hanggang ngayon ay nagpa-pagaling sa kanyang injury. Baka sa Nobyembre o Disyembre pa siya makabalik sa active duty.

E, paano pa kung naglalaro na si Miller? Susmaryosep na fire power iyan.

Ang maganda nito, habang nagpapagaling si Miller, naga-gamit nang husto si Cardona. Nahahasa ang rookie. Tumataas ang kumpiyansa. Kapag nagbalik si Miller, maghahalinhinan na sila sa puwesto at mag-aanimo da-lawang pistong pareho ang effi-ciency.

Kung noong nakaraang con-ference na hindi nakapaglaro sa elims at semis si Taulava ay naka-rating sa Finals ang Talk N Text, ngayon pa kaya?
* * *
HAPPY birthday kay Janice Morales ng Foreign Service Insti-tute na nagdiriwang ngayon.

ANTHONY WA

ANTIPOLO CITY

BEERMEN

DAMIEN CAN

DERICK PUMAREN

FOREIGN SERVICE INSTI

JANICE MORALES

JIMMY ALAPAG

PHONE PALS

TALK N TEXT

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with