^

PSN Palaro

Maganda ang mga senyales para sa PBA

TAKE IT TAKE IT! - Nap Gutierrez -
Congratulations sa PBA dahil sa magandang crowd na sumaksi sa opening day nito nung Linggo. 20,000 total capacity ng Araneta Coliseum pero mahigit kumulang 13,000 ang dumating.

Magandang senyales yan para sa liga to think na isa lang ang game nung araw na yun. Wa-la pa ang Ginebra sa larong yun.

Tama si PBA Chairman Ely Capacio. Umaasa siya na sana nga, kahit sa ordinaryong laro lang eh ganito pa rin ang crowd. Na-ngangarap si Ely Capacio pero malay nyo nga naman.

Sana nga lang ay mag-iba na ang intensity ng paglalaro ng mga players. Sana ay tutuong maglaro sila according sa theme ng PBA: Laban Kung Laban.

Naway ‘yan nga ang maging attitude ng mga PBA players para manumbalik ang interes ng mga tao sa panonood sa laro nila.
* * *
Nais lang nating batiin si Coach Ato Tolentino  na napag-champion na naman ang UM Hawks sa NAASCU tournament.

Hindi man nagkaroon ng back-to-back titles si Ato para sa PCU Dolphins, heto't patuloy namang namamayagpag ang UM Hawks under his leadership. Masaya si Ato dahil nanalo sila ulit kahit na malalakas ang mga kala-ban nila this season. Nakatikim na rin sila ng talo after 84 games pero bale wala sa kanya yun.

May mga teams sa NCAA na nago-offer kay Ato. Ewan ko lang kung interesado pa siyang mag-coach muli sa NCAA.

Baka sa UAAP naman?
* * *
Mayroon ba kayong banda na babae lahat ang miyembro at lahat eh nasa college pa? Well, ito na ang pagkakataon nyong makuha ang break to enter the recording industry.

Isang malaking all-girl band inter-school competition ang gaga-napin sa December 2005 sa isang malaking bar sa Quezon City.

Nanawagan ang HighLight Productions sa lahat ng all-girl band na sumali sa contest na ito. Bukod sa magagandang premyo, isang recording contract with a top recording  studio ang naghihintay sa mananalong grupo.

Mag-text  lang ng detalye ng banda sa Highlight Prod sa cell. no.0920-9516974 at tatawagan nila kayo para sa karagdagang detalye. 20 grupo lang daw ang hinahanap nila at kailangan, nag-aaral lahat. Sali na....
* * *
Marami ang nagsasabing mananalo ang La Salle sa FEU sa Game 2 nila sa UAAP Finals. Basta lang daw...feel nila ay makakatabla ang La Salle kutob lang nila..

Feel nila, may Game-Three pa. Sige nga, tingnan natin kung tama ang kutob na yan....

vuukle comment

ARANETA COLISEUM

ATO

CHAIRMAN ELY CAPACIO

COACH ATO TOLENTINO

ELY CAPACIO

HIGHLIGHT PROD

LA SALLE

LANG

NILA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with