Base sa temang One Heritage, One Southeast Asia sinabi ni overall director Maria Montelibano na ang opening rites ay katatampukan ng mayamang heritage at culture na nagbubuklod sa mga Southeast Asian countries na siyang pinagmulan ng iisang mithiin ng bawat atleta, ang bigyan ng karangalan ang kanilang bansa at ang SEA region.
Ang kilalang television director na si Montelibano ang incharge sa naturang konsepto sa tulong ng artistic at creative directors na sina Pogs Mendoza at Robert Tongko.
Ang makulay na program ay ipriprisinta ng segment-by-segment, para ipaliwanag kung paano naimpluwensiyahan ng isang heritage ang isang Southeast Asian na katatampukan ng magkahalong sayaw at theater performance.
Ang head ng overall production management ay sina Lito Nadal, Jaime Godinez (technical), Kokoy Jimenez (television direction), at Bebot Pondevida (execution programming).
Sa tulong ng National Commission on Culture and Arts (NCCA), inaasahang maipapakita ng kultura ng 11 bansang kalahok sa Nov. 27-December 5 meet. Ang kilalang composer na si Ryan Cayabyab ang gagawa ng musical arrangement kasama ang San Miguel Orchestra at SM Chorale.