Operasyon ng mga SEAG venues itinigil

Pansamantalang ipi-nasara ni Sports Ope-rations chairman Richie Garcia ang karamihan sa mga venues na gagamitin para sa darating na 23rd Southeast Asian Games.

Ilan sa mga venues na ipinatigil ni Garcia sa ope-rasyon ay ang Rizal Me-morial Sports Complex sa Vito Cruz, Manila at ang PhilSports Complex sa Pasig City.

"Most of our venues in Rizal Memorial Sports Complex are closed. Ipi-nasara muna natin at hin-di muna gagamitin hang-gang matapos ‘yung mga ginagawa doon," ani Gar-cia kaugnay sa patuloy na renobasyon sa RMSC at PhilSports Complex.

Ipinagagawa pa rin ng Philippine Sports Commis-sion (PSC) sa RMSC ang basketball coliseum, gym-nastics center, lawn tennis, baseball stadium at Ninoy Aquino Stadium.

Ayon sa PSC Commis-sioner, inaasahan niyang matatapos na ang mga venues sa huling linggo ng Oktubre bago ang SEA Games na nakatakda sa Nobyembre 27 hanggang Disyembre 5. (Russell Cadayona)

Show comments