Phil. Navy umatake na

Pinatunayan ng Philippine Navy tandem nina Michelle Laborte at Cecille Tabuena na sila ang team to beat nang kanilang pabagsakin ang co-champions na sina Rolyn Marquicias at Sheryl Laborte sa unang araw ng Petron Ladies Beach Volleyball Tournament grand finals sa Manila Baywalk kahapon.

Sa larong inaasahang magiging preview ng championship, hinataw ng Navy tandem ang 21-16 panalo laban sa kina Marquicias-Laborte sa pamamagitan ng matutulis na spikes ni Tabuena at epektibong setting ni Laborte

Naungusan naman nina Lorna dela Cruz at Charizza Castro ang pares nina Raine Romero at Eliza Natividad, 22-20, na pinarisan ang 21-19 panalo nina Suzanne Roces at Abigail Escanor laban sa first leg winner na sina Patricia Siatan at Glenda Pintol.

Nanalo din ang PSBA-Ateneo duo nina Shery Garcia at Patricia Taganas, sa Asian College of Science and Technology duo nina Sheena Teves at Benecio Venus, 21-11.

Si MASCO Chairman Ali Atienza ang nagsaga-wa ng ceremonial serve, kasama si Che Tugbang ng Petron at organizer na si Tisha Abundo.

Show comments