^

PSN Palaro

Bakbakan na sa PBA

-
Pormal na magbubu-kas ngayon ang 2005-2006 season ng Philippine Basketball kung saan bubungaran ng Red Bull-Purefoods match ang season-opening confe-rence na San Mig Cafe-Fiesta Conference sa Araneta Coliseum.

Nakatakda ang sagu-paan ng Barakos at Pure-foods na magdadala ng pangalan ng kanilang ba-gong produktong Chun-kee at tatawaging Giants, sa alas-6:00 ng gabi.

Mauuna rito ay isang magarbong opening ceremonies na sisimulan ng alas-4:00 ng hapon kung saan panauhin ang mga boxing heroes na si Manny Pacquaio at Rey ‘Boom-Boom’ Bautista.

Ang Talk N Text at Alaska ang mga team-to-beat sa kumperensiyang ito. Narito ang pre-view ng siyam na koponan.

TALK N TEXT
-- kahit injured pa si Willie Miller malakas ang Phone Pals dahil sa pagbabalik ni Asi Taulava sa roster na pinalakas ng mga rookies na sina top draft pick Fil-Am Anthony Washington at Mac-mac Cardona na nakuha ng Talk N Text mula sa FedEx. Ibabalik nila ang dating import na si Damien Cantrell.

ALASKA
-- nakuha ng Aces sina Tony dela Cruz at last year Rookie of the Year Rich Alvarez sa nag-leave-of-ab-sence na Shell at malaking karagdagan ito sa kanilang line-up na papalakasin naman ni balik-PBA import Tee McClary.

SAN MIGUEL
-- napanatili ng Beermen ang line-up na nag-champion sa conference na ito noong nakaraang taon ngunit tinamaan ng injury sina Dondon Hontiveros (fractured hand) at Dorian Peña (stress fracture) at inaasahang mapu-nan ito ng 6’5 import na si Rico Hill mula Illinois State.

GINEBRA
-- Wala pa rin si Eric Menk dahil hindi pa nito naibibigay ang mga dokumentong hinihingi ng PBA at umaasa ang Gin Kings na maaayos ito sa lalong madaling panahon. May kahinaan ang kanilang import na si Mustapha Hoff kaya kinukunsidera ng Ginebra sina dating Red Bull import Sean James Lampley at former NBA star Cedric Henderson.

RED BULL
-- umaasa ang Barakos na makakapag-deliver ang mga rookies na sina Larry Fonacier at Paolo Bugia na parehong Ateneans kasama si Leo Najorda, NCAA MVP at sa kanilang import na si Quemont Greer.

PUREFOODS
-- sa pagreretiro ni Alvin Patrimonio, umaasa ang Purefoods na ang rookie na si Jondan Salvador, dating PBL-MVP ang pupuno sa puwestong iniwan ng ‘The Captain’ at maging epektibo ang import na si Marquin Chandler mula sa San Jose State.

AIR21
-- malaking reponsibilidad ang nakaatang sa bagong coach ng Express na si Bo Perasol gayundin sa kanilang import na si Shawn Daniels matapos nilang pakawalan ang dalawang premyadong rookies na sina Washington at Cardona sa Phone Pals.

COCA-COLA
-- isang malaking pagsubok din ang haharapin ng bagong coach na si Binky Favis na pumalit kay Eric Altamirano habang nasa national training team pa si coach Chot Reyes. Nabingwit ng Tigers sina Dennis Miranda bilang No. 3 pick sa draft at Billy Mamaril mula sa Shell at inaasahang makakatulong ang mga ito kasama si import Alex Carcamo sa Coke.

STA. LUCIA
-- isang mahusay na point guard ang nakuha ng Realtors sa katauhan ng No. 2 pick na si Fil-Am Alex Cabagnot at Cesar Catli sa draft na inaasahang magpapalakas sa Sta. Lucia na sasamahan ni import Luke Whitehead.

ALEX CARCAMO

ALVIN PATRIMONIO

ANG TALK N TEXT

ARANETA COLISEUM

ASI TAULAVA

BARAKOS

BILLY MAMARIL

BINKY FAVIS

IMPORT

PHONE PALS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with