^

PSN Palaro

TAPOS NA ANG SUSPENSE

FREE THROWS - AC Zaldivar -
Whew!

Anim na araw na lamang ay magsisimula na ang 2005-06 season ng Philippine Basketball Association at magbubukas ang Fiesta Cup sa Araneta Coliseum kung saan magsasalpukan ang Purefoods Chunkees at Red Bull Barako sa opening game.

Matagal-tagal din ang naging paghihintay ng mga PBA fans. Ang huli kasing laro ng nagdaang season ay idinaos noong Hulyo 10 sa Cuneta Astrodome kung saan tinalo ng San Miguel Beer ang Talk N Text, 91-87 upang maisubi ang kampeonato.

Pagkatapos ay halos tatlong buwan ang naging bakasyon ng PBA. Sino ba naman ang hindi maiinip?

Mami-miss nga lang ng ibang PBA fans ang Shell Velocity na nag-disband. Siyam na koponan na lamang ang kalahok sa PBA ngayon.

Sa isang banda, nakatulong din ang pagdi-disband ng Shell Velocity para lalong maging balanse ang kompetisyon sa PBA dahil sa napunta sa iba’t ibang teams ang mga naulilang Turbo Chargers. Pero mahirap naman ang scheduling ng games dahil sa siyam nga ang teams parang ma-gulo ang mangyayari pagkatapos ng double round eliminations.

Ang Alaska Aces ang siyang nakinabang nang husto sa dis-bandment ng Shell Velocity dahil sa nakuha ng Aces sina Anthony dela Cruz at Rich Alvarez na si-yang 1-2 punch ng Turbo Char-gers. Si dela Cruz ay miyembro ng Mythical Team samantalang si Alvarez ang siyang Rookie of the Year ng nagdaang season. So, sa ngayon, ang Alaska ang masasa-bing pre-tournament favorite.

Medyo mabigat ang pressure sa balikat ni coach Tim Cone dahil sa ang koponan niya ang titinga-lain ng lahat ng makakatunggali nila. Pero kung noon ngang wala sina dela Cruz at Alvarez sa Alaska Aces ay nagagawa nitong mama-yagpag, ngayon pa kayang nan-doon na ang dating Shell duo?

Bukod sa Alaska ay nanatili ding paborito ang San Miguel at Talk N Text na siyang naglaban sa huling championship round.

Masasabing nag-upgrade din ang Phone Pals dahil nakuha nila buhat sa Air 21 ang mga premya-dong rookies na sina Anthony Wa-shington at Mark Cardona. Okay na rin ang kundisyon ni Paul Asi Taulava.

Sa panig ng San Miguel Beer, dalawang off guards sa katauhan nina Christian Calaguio at Paolo Hubalde ang naidagdag nila. Okay na rin ito dahil sa ang dami naman nilang big men.

Medyo alanganin ang crowd favorite Barangay Ginebra dahil hindi pa alam kung makapaglalaro si Eric Menk na hanggang ngayon ay inaasikaso pa ang mga pape-les. Kung wala si Menk, medyo mahihirapan ang Gin Kings.

Ang Coca-Cola at Air 21 (da-ting FedEx) ay mayroong bagong coaches.

Si Binky Favis ang hahawak sa Tigers samantalang si Bo Perasol ang gigiya sa Express. Masusubukan ang husay ng dala-wang ito bagamat masasabing may bentahe si Favis dahil kabisa-do na niya angTigers na pinangga-lingan niya.

Sa tutoo lang, marami ang nakaismid kapag Air 21 ang pinag-uusapan.

Kasi nga, imbes na lumakas ang team, tila humina ito matapos na ipamigay sina Cardona at Washington kapalit nina Yancy de Ocampo at Patrick Fran.

At ipinamigay din nila sa Purefoods sina Marc Pingris at Egay Billones. Kaya nga itinatanong ng karamihan kung perdegana ang laban para sa Air21?

Ang Sta. Lucia Realty, Purefoods Chunkess at Red Bull Ba-rako ay lumakas din dahil sa pagli-pat ng ilang manlalaro at pagpapa-pirma ng matitinding rookies.

Kita-kits tayo sa Linggo.

ALASKA ACES

ALVAREZ

ANG ALASKA ACES

ANG COCA-COLA

ANG STA

CRUZ

DAHIL

SAN MIGUEL BEER

SHELL VELOCITY

TALK N TEXT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with