^

PSN Palaro

Sino ang magka-kampeon?

-
Dito na magtatapos ang lahat sa pamamagitan ng isang ‘doordie’ game.

Magbabanggaan ang host Letran College at ang nagdedepensang Philippine Christian University ngayong alas3 ng hapon sa Game 3 para sa isang ‘winnertakeall’ match sa 81st NCAA men’s basketball championship sa Araneta Coliseum.

Itinabla ng Knights ang kanilang bestofthree championship series ng Dolphins sa 11 makaraang kunin ang Game 2 mula sa kumbinsidong 7860 paggupo upang burahin ang kanilang 7479 kabiguan sa Game 1.

Sa kabila ng kanilang sinasakyang momentum, hindi pa rin ganap ang kumpiyansa ni coach Louie Alas para sa Letran, inihatid niya sa NCAA titles noong 1998 at 2003.

"Kahit na nasa iyo ang momentum ngayon, still you don’t underestimate a champion team like PCU. Malakas ang fire power nila na dapat naming ilimit sa Game 3," wika ni Alas.

Sa pagkakatabla naman ng serye, patas lamang ang magiging laban, ayon kay mentor Junel Baculi.

"Sa tingin ko fiftyfifty ang chances namin ng Letran. Siguro ‘yung puso na lang ng mga players ang magiging difference sa endgame," ani Baculi, puntiryang maduplika ang nagawa ni dating coach Ato Tolentino sa Taftbased cagers noong 2004.

Sa kanilang pagkatalo sa Game 2, inamin ni Baculi na nagkanyakanya ang mga Dolphins.

"Sabi ko nga sa kanila we should play as a team at huwag tayong maging individualistic. Let us contribute the ball to everybody at huwag nating ipilit ang tira. Game 3 na ito, we should show the hearts of a champion," ani Baculi. (R.Cadayona)

ARANETA COLISEUM

ATO TOLENTINO

CADAYONA

DITO

GAME

JUNEL BACULI

LETRAN

LETRAN COLLEGE

LOUIE ALAS

PHILIPPINE CHRISTIAN UNIVERSITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with