Lydia, Eric kumpiyansa sa tagumpay ng RP athletes

Naniniwala ang dala-wang pinakamahusay na atleta ng bansa na sina da-ting Asian track queen Lydia de Vega-Mercado at swim-ming champion Eric Buhain na malaki ang tsansang ma-kopo ng bansa ang overall title sa 23rd Southeast Asian Games na iho-host ng bansa sa Nov. 27-Dec. 5.

Naniniwala ang mga SEA Games Ambassadors na sina Lydia at Buhain na handa na ang mga atletang sumabak sa giyera, dala-wang buwan pa bago mag-bukas ang biennial meet sa Luneta Grandstand.

"As far as the athletes’ preparations are concerned, I don’t see any problems. They’re in high spirits and their performances in recent international meets are an indication of their readiness," sabi ni Buhain, dating Philip-pine Sports Commission (PSC) chairman at ngayon ay pinuno na ng Games and Amusements Board (GAB).

"Malaki ang tungkuling nakaatang sa mga balikat ng ating mga atleta at alam nila ‘yan. Kaya makikita natin ito sa performances nila sa mga tournaments abroad. The country is hoping to clinch the SEAG overall crown and with this kind of enthusiasm a-mong our athletes. I don’t see why we can’t go wrong," ani de Vega-Mercado, na isa sa athlete director ng PSC.

Show comments