"Sana dumating siya at samahan niya ako sa laban," wika ni Gejon ha-bang nagte-training sa kanyang headquarters sa Cebu City kahapon. "Ma-laking tulong ang pre-sence niya sa laban ko. Lalo akong gaganahan kapag nanood siya (Pac-quiao)."
Pinagbigyan naman ni Pacquiao na kagagaling lamang mula sa kanyang sensational na panalo kontra kay Hector Velaz-quez ng Mexico sa Los Angeles, ang kahilingan ni Gejon.
Pumayag si Pacquiao na manood ng laban ni Gejon at nangako itong darating sa Tokyo sa Setyembre 23.
"Kapag hindi siya su-muntok, siya ang susun-tukin ko," wika ni Pac-quiao sa manager ni Ge-jon na si Wakee Salud.
May taas na 56 1/2, taglay ng 28-gulang na si Gejon ang record na 21-0-1 na may 13 knockouts. Pinigil niya ang siyam mula sa kanyang huling 12 kalaban.
Maliit ng 4 1/2, ito ang ikatlong depensa ng 26-anyos na si Niida ng kanyang WBA 105-lb title at mayroon siyang ring record na 18-1-3 na may walong knockouts.
Inaasahang si Gejon ang susunod na RP boxer na mag-uuwi ng world title.