^

PSN Palaro

Banana growers pinasalamatan ng PSC

-
Bahagi ng diyeta ng mga atleta ay ang prutas na saging at malaki ang pasasalamat ni Philippine Sports Commission (PSC) Commissioner Leon Montemayor sa mga bumubuo ng Philippine Banana Growers Export Association na walang sawang nagsu-supply sa mga atleta.

Ayon kay Montemayor, simula pa noong 2002 Asian Games na ginanap sa Busan South Korea ay nagsu-supply na ang PBGEA ng saging sa mga atleta na kanilang ipagpapatuloy sa pagsabak ng mga pambansang atleta sa nala-lapit na 23rd Southeast Asian Games, ngayong Nobyembre 27 hanggang Disyembre 5.

Ang PBGEA sa pamumuno ni chairman Rodolfo Del Rosario, ay nagbibigay ng 80 kahon ng mga export quality na saging kada linggo sa mga atleta sa Rizal Memorial Sports Complex at sa Ultra sa Pasig na nagmumula pa sa Davao.

Sa loob ng halos tatlong taong pagbibigay ng saging ng PBGEA sa mga atleta, tinatayang aabot na sa P1.5 milyon ang kanilang ibinibigay na suporta.

"Talagang nutritiuos ang saging kasi potassium ang ibinibigay nito sa ating athletes na kailangan nila for their respective events," sabi ni Montemayor. (Carmela Ochoa)

vuukle comment

ASIAN GAMES

BUSAN SOUTH KOREA

CARMELA OCHOA

COMMISSIONER LEON MONTEMAYOR

MONTEMAYOR

PHILIPPINE BANANA GROWERS EXPORT ASSOCIATION

PHILIPPINE SPORTS COMMISSION

RIZAL MEMORIAL SPORTS COMPLEX

RODOLFO DEL ROSARIO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with