^

PSN Palaro

Ganti kay Morales pagtutuunan ni Pacquiao

-
LOS ANGELES – Ngayon pa lamang nangako na si Manny Pacquiao, na gaganti siya kay Erik Morales.

"Talagang maghahanda ako ngayon para sa kanya," anang Filipino ring gladiator isang araw matapos niyang patumbahin si Hector Velazquez sa Staple Center noong Sabado.

Ang 6th round KO ni Pacquiao kay Velazquez ay nagpuwersa na matuloy ang rematch nila ni Morales, ang Mexican hero na nanalo nang una silang mag-tagpo sa MGM Grand sa Las Vegas noong nakaraang Marso.

Inaasahang mananalo si Morales sa kanyang laban kay American Olympian Zahir Raheem ngunit wala ito sa porma at natalo sa unanimous decision.

Gayunpaman, sinabi ni Bob Arum, big boss ng Top Rank Promotions, na ang kabiguan ni Morales ay hindi hadlang sa kanilang pinakahihintay na rematch. Sa kontratang pinirmahan noong July, nakatakda ang laban sa Enero 21 sa Las Vegas. At bagamat non-title fight sa 130 lbs, ginagarantiyahan na magiging blockbuster.

Sinabi ni Pacquiao na magsasanay siya ng matagal para sa rematch na ito na gagarantiya naman sa dalawang great fighters ng may $1.75 million bawat isa.

"Ako ang babawi. Kaya dapat ang ensayo ko hindi bababa sa dalawang buwan," ani Pacquiao na pla-nong magsimulang magsanay para sa rematch sa Nobyembre.

Sisimulan nito ang pagsasanay sa Manila at babalik sa Amerika sa unang linggo ng Disyembre at babalik ng Manila sa isang maikling bakasyon para ipagdiwang ang kanyang ika-27th kaarawan kasama ang mga mahihirap.

"lang araw lang at babalik din ako sa US sa Dec. 18. Mamimigay lang ako sa birthday ko," aniya na sinabing tradisyon na ang pamimigay ng mga regalo tuwing kaarawan niya. (Ulat ni Abac Cordero)

ABAC CORDERO

AMERICAN OLYMPIAN ZAHIR RAHEEM

BOB ARUM

ERIK MORALES

HECTOR VELAZQUEZ

LAS VEGAS

PACQUIAO

STAPLE CENTER

TOP RANK PROMOTIONS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with