Pinatunayan naman ni Rey Boom-Boom Bautista na siya ang susunod na cham-pion mula sa Philippines gaya ng pakilala sa kanya ng trainer na si Freddie Roach nang kanyang pabagsakin si Felix Flores ng Columbia sa ikatlong round ng kanyang eight-round bout.
Kahanga-hanga ang first-round knockout para kay Viloria, member ng 2000 US Olympic Team nang bigyan niya ng left jab si Ortiz na nagbigay daan sa kanyang malu-tong na right straight sanhi ng pagbagsak ng Mexi-cano sa 2:59 minuto ng opening round.
Nakatayo pa si Ortiz bago matapos ang bilang ng referee ngunit muli niyang natikman ang lakas ni Viloria para tulu-yan itong bumagsak sa lona at idineklara ni refe-ree Raul Caiz ang tagum-pay sa Pinoy na nagtata-lon at napaiyak sa tuwa.
Mahina ang simula ni Bautista ngunit nagsimula itong makakonekta sa ikalawang round ng unang bumagsak ang 31-gulang na si Flores, 10 segundo na lamang ang natitira at umabot pa sa ikatlong round kung saan isang malakas na right hand straight mula sa Pinoy ang tumama sa kanyang panga na muling nagpabagsak sa kanya at tumayo ngunit hilong talilong na ito kaya itinigil ang laban, 1:12 minuto ang oras.
Umangat si Viloria sa 18-0 record habang 15-0 naman si Bautista na may 12 KOs.