Sa milyun-milyon nga namang ginagastos para sa mga trips abroad, accomodation and all, na-realize ni Alvarez na wala nga namang patutunguhan ang team na ito dahil na-out na nga naman tayo sa qualifying round sa ABC.
Sayang nga naman ang pera na ginugugol para dito.
Sa panahon ngayong hirap na hirap ang lahat sa pera, it would be best na tapusin na nga naman ito.
While the best efforts of the sponsors of this RP is highly appreciated, mas makakabuti pa rin kung tuluyan na nga munang bubuwagin ang team na ito.
Atat na atat pala ang mga PBA players na mag-represent kuno sa ating RP team, eh bakit kasi sila nag-PBA? Kung gusto pala nilang maging bahagi ng RP basketball team, eh di sana nag-stay na lang sila sa amateurs nang wala ng problema. Kung may ample supply lang tayo ng magagaling na players para sa RP team, eh hindi na sana nagka-ganyan-ganyan ang basketball sa ating bansa.
The moment these players decided to play for money in the PBA, natigil na rin ang karapatan nilang mag-represent ng ating bansa sa mga international competitions. That is the rule of basketball. Hangga't amateur ka pa, puwede ka sa national team. Pero kapag nag-professional ka, out ka na. Pinili mong mag-PBA, tama na ang ambisyon mong mag-represent ng Phil. flag sa basketball. Kung mahal mo ang bayan mo at hindi ang malaking suweldo mo sa PBA, eh di mag-stay ka sa amateurs.
If these PBA players are making it appear that they're tyring to save Phil. basketball na sabi nga nila eh sinking ship na, ang dapat nilang ma-realize eh may mas malaki pang sinking ship na dapat nilang sagipin at yan ay ang PBA mismo.
Ibalik ang intensity at ani-mo nila sa PBA para bumalik ang interes ng mga fans. nang tumaas na muli ang ratings ng PBA at ng bumalik ang mga advertisers sa liga.
Wag na po tayong mag-pa-ipokrito, please.
Tanungin mo ang sam-pung mahihilig sa basketball mula noon hanggang nga-yon, and chances are, siyam (9) ang magsasabi sa yo na wala na silang interes sa basketball, na wala na silang ganang manood ng mga laro ng PBA players dahil ibang-iba na sila maglaro. Worse, yung iba'y sasagot na hindi na nila kilala ang ibang PBA players.
Tingnan mo nga yung ratings ng PBA Finals sa TV, nakakatakot na one-digit TV ratings! That's too alarming,
While the truth hurts, dapat lang itong magsilbing wake up call para sa mga PBA players.
Sagipin muna nila ang sarili nilang barko.
Baka sa kasasagip nila at kabibigay nila ng salbabida sa ibang barko, mauna pang gumuho at maglaho ang sarili nilang barko.