Isa sa top contender si Espinas para sa MVP title kasama ang dating MVP titlists na si Leomar Najorda ng San Sebas-tian College at Jay Sagad ng St. Benilde pagkata-pos ng dalawang round ng eliminations.
Bagamat hindi naka-pasok sa Final Four, No. 1 pa rin sa statistics si Sagad na may kabuuang 521 statistical points sa kanyang average na 11.6 points (10th), 10.4 re-bounds (2nd), 1.3 assists (8th) at 1.8 blocks (3rd) sa kabuuang 14-games para sa CSB Blazers na tuma-pos ng eliminations na may 5-9 panalo-talo.
Pumapangalawa si Espinas, ang tanging players sa NCAA na kumopo ng MVP at Rookie of the Year title, sa kanyang 516 SPs mata-pos mag-average ng 13.1 points (6th), 11.4 re-bounds (1st), 1.3 assists (8th) at 2.1 blocks (2nd).
Ang 2003 MVP at pro-bound na si Najorda na na-draft ng Red Bull sa PBA, ang third place na may 36.4 SPs bagamat may isang game ito na-miss dahil sa suspension. Siya ay may average na 17.6 points a game 9.0 rebounds (5th), 3.2 assists (3rd).
Ang top 10 contenders ay sina Khiel Misa ng University of Perpetual Help System Dalta (31.0, 4th,), Jerome Paterno (30.2, 5th) ng San Beda College, Red Vicente (30.1, 6th) ng San Se-bastian College-Reco-letos, Yousif Aljamal ng SBC Red Lions (29.5, 7th), Aaron Aban (28.1, 8th) ng host Colegio de San Juan de Letran, Kelvin dela Peña (26.1, 9th) ng Mapua Institute of Technology at Jason Castro (25.9, 10th) ng PCU Dolphins..
Samantala, magsasa-gupa ang defending juniors division champion San Beda Red Cubs at SSC-R Staglets sa alas-4:00 ng hapon sa Araneta Coliseum pagkatapos ng NCAA Cheer-Dance competition na magsi-simula ng alas-2:00 ng hapon. Para sa play-off ng huling twice-to-beat ticket makaraang magtabla sa 13-1 record sa pagtatapos ng elimina-tions. (Ulat ni CVOchoa)