^

PSN Palaro

Tanamor, Tipon naka-gold

-
HO CHI MIHN – Kapwa nagpamalas ng ma-ningning na trabaho sina Harry Tanamor at Joan Tipon sa ibabaw ng ring at idispatsa ang kani-kanilang kalaban upang ihandog ang dalawang kumikinang na gintong medalya sa bansa sa pagtatapos ng Asian Seniors Boxing Championships sa Dinh Phung Stadium sa Ho Chi Minh City.

Para kay Tanamor, ang kanyang 48-40 tagumpay laban kay Hoong Moo Woon ng Korea ay higit pa sa ginto dahil nakaganti na rin siya sa tumalo sa kanya na kumuha rin ng bronze medal sa Athens Olympics noong 2003.

Walang iniwang tsan-sa, mabilis na nagtrabaho si Tanamor sa unang round at umiskor ng left hook at right straights at agad magtala ng 13-8 bentahe.

At nang makatunog ang South Korean ng kanyang pagkatalo, pina-nay nito ang suntok sa katawan na siyang gina-mit rin niya sa mas matangkad na Pinoy sa kanilang unang pagta-tagpo. Kinuha ni Hong ang ikalawang round 13-11 at nagtabla pa sila sa ikatlong round 11-11.

At dahil sa pagkaka-bawas ng abante sa tat-lo, 35-32, matapos ang tatlong rounds, binago nina coach Pat Gaspi at Ronald Chavez ang estra-tehiya at inatasan si Tanamor na sumuntok at dumistansiya papalayo sa Koreano.

Naging epektibo ang teknik para sa Busan Asian Games silver me-dalist at Southeast Asian Games champion para biguin si Hong sa pama-magitan ng mga solidong jabs at counter-punching para humakot ng puntos tungo sa matamis na tagumpay.

Naging mabait naman ang Vietnam para sa 21 anyos na si Tipon. Dito rin niya unang nakuha ang karangalan sa kanyang unang international kom-petisyon, isang gintong medalya sa pre-SEA Games at silver sa SEAG proper noong 2003.

Nagbalik sa Vietnam ang ipinagmamalaki ng Negros na higit na mas malakas at mahusay at sungkitin ang ginto sa bantamweight class sa pamamagitan ng lopsided 31-15 tagumpay laban kay Oigonchulun Bath-kuu ng Mongolia.

Mas mabilis at may mas mahabang ang biyas, maagang nagpa-dala ng mensahe si Tipon sa kalaban sa kanyang supremidad nang halos dominahin ang lahat ng rounds gamit ang kan-yang matinding kombi-nasyon na ikinahilo ng Mongolian.

ASIAN SENIORS BOXING CHAMPIONSHIPS

ATHENS OLYMPICS

BUSAN ASIAN GAMES

DINH PHUNG STADIUM

HARRY TANAMOR

HO CHI MINH CITY

HOONG MOO WOON

JOAN TIPON

OIGONCHULUN BATH

TANAMOR

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with