Ito ay sa kabila ng sulat ni FIBA secretary-general Patrick Baumann sa patu-loy na pagkilala ng natu-rang international basket-ball federation sa BAP bilang tanging basketball association sa bansa.
Sa panukala ni Bau-mann, tatanggalin lamang ng FIBA ang suspensyon sa BAP, pinamumunuan ngayon ni dating Sen. Joey Lina, kung muling ibabalik ng POC ang BAP bilang miyembro.
"Mahirap naman ya-tang binabraso tayo ng ganyan. Ayoko naman ya-tang i-promote sa ating mga kasama, sa ating mga different NSAs na puwede tayong pumayag ng ganito," sabi kahapon ni Cojuangco. "And I dont think the 33 other persons that voted to expel them (BAP) will accept that."
Ang naturang 33 boto ng mga National Sports Associations (NSA) ang siyang nagpatalsik sa BAP bilang miyembro bago bigyan ng condi-tional recognition ang Philippine Basketball Federation ni Moying Martelino.
Sinabi naman ni Lina na handa siyang maki-pag-usap kay Cojuangco para sundin ang kagustu-han ni Baumann.
"Hindi ko lang alam kung desisyung pinal yon kasi at the end of the letter he said (Baumann) we are welcome to their (FIBA) headquarters for talks. Hindi ko talaga maintindihan. Its neither here nor there. And I think this is strictly coming from Baumann kasi wala pa naman akong naririnig na nag-meeting na sila eh," wika ni Cojuangco.
Hangad ng POC na makuha agad ang re-kognisyon ng PBF bago ang Southeast Asian Games.
Samantala, tutungo sa China si Cojuangco para sa Olympic Council of Asia meeting sa Sept. 7-9. (Russell Cadayona)