Nalusutan ni Joan Tipon ang mahigpit na hamon ni Umarov Meh-roud ng Tajikistan, 12-11 sa 54kgs. habang nag-tala naman ng 23-15 pamamayani si Gene-bert Basadre kontra sa Koreanong Athens Olympian na si Shin Jin Soo sa 60kgs. class.
Makaraang uma-bante sa 3-1 iskor sa unang round, naga-wang makatabla ng Tajik boxer kay Tipon sa 4-4 ngunit hindi naging dahilan para sumuko agad ang Pinoy. Isang do-or-die attack ang nalusutan ni Tipon at nakipagjab lamang ito kay Umrov hanggang sa tuluyang isara ang huling round para sa kanyang panalo.
Sa kabilang dako naman, halos dinomina naman ni Basadre ang kanyang laban kontra sa Korean lalo na sa huling round kung saan nagpa-kawala ito ng malutong na right sa panga ni Shin na nagbigay sa kanya ng mandatory eight-count.
Sinimulan ng Pinoy ang laban sa pamama-gitan ng kanyang 1-2 combination na halos ikinawala ng balanse ng kaliweteng Korean na nakadikit lamang sa Pinoy mula sa unang round hanggang sa ikatlong round.
Hindi naman naging masuwerte si Joegin Ladon sa kanyang laban makaraang domi-nahin ito ng kalabang Athens silver medalist na si Kim Song Guk (PRK), 20-12.
Gamit ang mas magandang karanasan at taas, hindi nakayanan ni Ladon ang mabibigat na suntok ng North Korean. Gayunpaman, lumaban din ng husto ang Pinoy nang panay pakawala ng suntok ngunit mahusay na naiilagan ito ng North Korean na sinasayawan lamang ang tila nahihilo sa suntok na Pinoy.